poso-negro ni siquey...

May 11th, 2008

Araw ni Nanay, Tula, at Bola

1. Isa munang lumang tula sa Araw ni Nanay. Miss you po.

 

Nanay

Ayaw Kong Tiklupin ang Kumot mo, Inay
 
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay;
Pababayaan kong ito ay mabulok
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.
 
Kahit pa alam kong wala na ang kamay
Na dating makulit, malikot, maharot,
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay.
 
Ayaw kong pumusyaw ang kulay dalandan
Na burda't laylayan, punit man at sabog,
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.
 
Kahit pa batid kong wala na ang lamang
Yumayapos tuwing umaga’y mahamog,
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay.
 
Ayaw kong mawala ang panghi, ang sangsang;
`Di ko papagpagin, libag man o buhok,
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.

Ayaw kong damayan ang lungkot ng buwan,

Kahit pa bumulong ang lamig ng puntod.

Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay,

Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.

  

2. Bago bola, heto muna. Isang tula ni Sir Rio mula sa libro niyang "Kung Bakit Kailangan ang Himala". Ito ang gumising sa akin kaninang umaga. 
http://www.hiraya.com/exhibits/snsdendaya/view.asp?seq=1
   
  
Sa Dulo ng Araw
 
Mababaw lamang ang hukay.
 
Sa wakas,
Itatanim mo ang sampares at pudpod na suwelas.
 
Huwag kang uupo sa silya.
 
Susupling
Ang alaalang
May apat na talulot ng buntonghininga.
 
3. Bola naman. Nakatanggap ako ng email mula kay Sam Rubenstein. Sa mga hindi nakakakilala, isa siyang columnist ng Slam Magazine. Punta kayo sa www.slamonline .com. May pinatulan kasi akong munting pakontes dun, tapos nanalo ata ako. Heto yung sulat niya:
 
Hi there,
 
If you are receving this email it is because SLAM Magazine may owe you a prize. In the past I may have sent you an email which had something about a contest you won in the headline, and that can sometimes get blocked by sp a m filters. Anyways, you are a winner! Please email me back with your adress where we can send you your prize.
 
Thanks!
 
-Sam
 
Yan. Pasok. Hindi ko lang alam kung makakarating sakin kung anuman yung premyo. Baka toblerone. o kaya ay Spam. hehe. Sana sapatos. o kahit jersey ni Nash na may pirma niya. Tangna, kahit towel pa yan na may pawis ni Kobe, pwede na. Sana rin sa susunod na may email sila, si Lang Whitaker ang mag-email sakin. Astig magsulat yan. Tangna, hihingi talaga ako, kahit swelas ng sapatos ni LeBron. Close ata sila.
Isa pa pala. Kung mahilig ka sa basketball at pagsusulat, basahin mo ito. Interview yan ni Myles Brown kay Britt Robson, isa ring sportswriter. Dami nating mapupulot diyan.
 
Yun lang muna. May kano na sa linya. 
 

Posted by Siquey at 02:30 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

May 10th, 2008

Dahil makulit kayo, sasagutin ko na...

...kung saan nga ba galing yung "Siquey".

Ganito kasi yan. Makinig ka.
 
Nung hayskul ako, CK ang tawag sa akin ng isang tropa ko.
Charles Kulot. Syempre, kapag mainit, pwede ring Charles Kalbo.
Tapos nung nasa college ako at nag-iisip ako ng email address ko, ubos na ang ck_(ewan)@ewan.com.
So hindi na pwede. Kaya sabi ko, since uso naman ang pahabaan ng pangalan, at nagsusulputan na ng mga letrang "h" at "e" sa mga palayaw ng bawat nilalang gaya nila Jun (Jhunne), Mary (Mhary), Kay (Khaye), Lyn (Lhyn), papahabain ko na rin ang CK. Pero wala dapat "H". Ceekey. C-Kay. Sikey. Hanggang sa naburyong na ako at dinagdagan ko na ng Q at naging SIQUEY. Walang kaek-ekan na historical significance o anuman. Walang koneksyon sa pangalan ng hayop kaya walang "tiger" o "lion" o "walrus". Wala ring "sweet" o "flaming" o "hot" o anumang deskripsiyon o emosyon na pwedeng maging kaakibat. Tangna, di ko kailangan yun, pakshet. Basta S-I-Q-U-E-Y. Yun na yun, balbon.  
Ngayon, kapag hanapin mo sa google ang Siquey, may isa pang lalabas. Heto siya.
 
Si Quey
Sabi sa siteSi Quey (pronounced SEE OUEE) was executed (by hanging) for the crimes of multiple murders and even more multiple rapes. He was then mummified...to serve as a perpetual reminder to all potential miscreants. Today, this 'greeter' stands (in a glass box) at the top of the stairs, exhorting all to gaze at the contents of his museum.
 
Rapist amputa...
 
Tanginang yan.

Harharhar!!!

Posted by Siquey at 06:53 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

May 6th, 2008

Dahil wala akong maikuwento, tumula muna tayo.

 ulan...

Sa Unang Ulan ng Mayo

  

Ito ang pangungumpisal ng lungsod. Gabay

ang baha sa mga kasalanan ng tag-araw

tungo sa mga esterong barado, habang sinisipon

ang pantalong nakasampay sa balikat

  

ng bukas na bintana. Sa isang garahe, umaapaw 

sa tubig-ulan ang swimming pool, hinihika na

mula nang ito'y muling inilabas at pinalobo. 

Ang nagtatampisaw ngayon ay mga tuyo

  

at malulutong na dahong nagpapadulas

mula sa alulod, at sa likod-bahay,

ang bata, hinahawi, ibinubuhol ang kurtina

ng ambon sa kaniyang harapan. Di tulad ng tag-init,

  

nasasalubong natin ang ganap nitong pagdating:

patak. ambon. ulan. patak. ambon. ulan.

Masdan: may maglalapag ng baso at hindi

pagtatakhan kung bakit lilima na lang

  

ang sahog ng di-na-maubos na halu-halo. Sa pagtila,

bumubulong ng sshhhhh ang lansangan at mananahimik

tayo, gayong tulad ng lungsod, nais din nating maghugas-

kamay, lumuha, magsumbong.

  

Posted by Siquey at 12:58 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

April 30th, 2008

Hi. I am Charles, and I have chosen darkness (or is it the other way around?).

ispin da lapis
 
Galing ako sa Bacolod para sa Iyas Creative Writing Workshop. Nagbarko kami ni En papunta. Panalo kasi perstaym ko sa barko.Ok lang kahit 20 hours, maaga naman yung dating namin. Anlupit ng University of St. La Salle. Bling-bling. Kumpleto sa facilities, tapos mababait lahat ng tao sa loob ng eskwelahan. Basketball agad ako. Pagkatapos, dumagsa na yung ibang fellows. Sa gabi, binaha ng mga pagkaing hindi ko alam ang mga pangalan sa Welcome Dinner na handog ni Maam Elsie. Pero alam kong masama yun, syempre, hehe. Kumbaga mga aso kami na pinakain ng special lugaw sa gabi para katayin at pulutanin nang walang pakundangan kinabukasan, at sa ilan pang mga sumunod na araw. Paneeees. Kaso wala yun. Natapos ang bawat gabi ng 5-day workshop na, imbes na mag-amoy papel ang paligid, napuno ng singaw-alak ang Balay Kalinungan. May natulog pa sa Dining hall. Tangnang yun. Andaming magandang ikuwento, kaso parang nauunahan ako ng pag-agos nila sa utak ko. Pero may mga kalokohang madaling hagilapin tulad nang "Don't call me poor!" o "asterisk" o "giraffe" o "apat na pulgadang santo nino (na may pako sa ulo)" o "What's your name again?!" o "the head" o "vacuum" o "piss-buddy" o "paa ni katrina halili" o "yung mga buddhang ina". marami pa, pero ayokong abutan ng gabi dito. Heto na lang yung mga nakunan ko. Marami kayong makikita diyan.  Harharhar. Kung bitin, meron pa kay Carlo, kay Mitch at kay Carlo ulit.  
 
Heto pa pala. May lexicon kaming ginawa para hindi mahalata ang inuman. Kaso after 2 days, "nagpapaload" na rin yung mga panelists.
    
ubos ang alak
Official TXTM8RS Inuman Lexicon

Load – alak/alcohol
Magload – tumagay
Dial – chaser
Magdial – uminom ng chaser
Text – pulutan
Deadbat – nagsuka
Lobat – tahimik
Charging – tulog
Cell site – inuman/lugar
No network coverage – walang mahanap na lugar
Line – free flowing alcohol
Pasa-load – tagay nang kaunti
All text – puro pulutan
Speed dial – matakaw sa chaser
Missent – naitagay sa mali
“wer n u” – “nasaan na ang tagay?”
“d2 n me” – “narito ang tagay”
sun – gin
globe – grand matador/hard
smart – san mig/beer
Vodafone – wine
  
Hayun. Maraming salamat sa aming mga matador na sina Dr. Marj Evasco (sa pagiging ina ng buong workshop) , Dr. Anthony Tan (na nakakakwentuhan ko ng masinsinan sa NBA), Dr. Elsie Coscouella (na anlupit magbasa ng tula, at nalaman ko recently na siya pala yung gumawang  mala-plath na kwento sa palanca nung 19 pa lang siya), Prof. Danny Reyes (na napakaepektibong magturo at magpaliwanang sa mga komplikadong bagay sa panitikan), Dr. Bevs Asenjo (sa pagbibigay ng pinakamalinaw na kahulugan ng post-modern art), at Sir John Teodoro (na palaging nagpapagaan sa mga malalalim na katayan). At maraming salamat din kina ate at kuya sa Balay Kalinungan na walang sawang nagliligpit ng mga pinagloadan namin sa umaga. Tenkyu pong naghahabulan sa Oval ng St. La Salle!!!
 
**update! update!**: hindi ko pala naikwentong 26 hours yung biyahe namin pabalik.putangina. wala na kaming nakuhang eroplano kasi andaming events sa Bacolod sa Linggong yun, kaya unahan sa tiket. so barko na talaga.badtrip. ang sched sa tiket namin, 9:45 am. ang nangyari: naging 3:35pm. puta. mabagal na ang barko, tumirik pa kami sa gitna ng halos dalawang oras ata.pakshet.murphy's law in action talaga. sabi ko nga, hindi ako magtataka kung lumubog yung barko o kaya ay sumulpot si moby dick at lunukin yung bwakanangpakshet na barko. isa pa pala. gumawa ako ng multiply ko dito. basura pa siya pero gagawan ko ng paraan para makapagpost din ako sa ibang textm8rs.yun lang. salamats.**

Posted by Siquey at 04:16 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

April 5th, 2008

Dalawang tula ni Leontia Flynn...

The Morning after Ruth’s
Going-away Party
 
The morning after Ruth’s going-away party
the state of this place is its testament, like Pompeii.
The needle snags on the record and then snags again
and Karen Carpenter sings we’ve only, we’ve only just begun.
   
Without Me
 
Once, in the hiatus of a difficult July,
down Eskra’s lorryless roads from sweet fuck all,
we were flinging – such young sophisticates – like a giant frisbee
this plastic lid of an old rat poison bin.

We were flinging it from you to me, me to you, you to me;
me-you, you-me, me-you, you back again.
And you would have sworn that its flat arc was a pendulum,
compassing Tyrone’s prosey horizon.

And I would have sworn that our throw and catch had such momentum
that its rhythm might survive, somehow, without me.
  
  
 (From These Days, published by Jonathan Cape. Copyright © 2003 by Leontia Flynn.All rights reserved. Used without permission.)

Posted by Siquey at 06:16 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

Espasyo para kay Sid Gomez Hildawa (1962-2008)

Medyo huli na, pero pakiramdam ko, kailangan kong mai-blog ito bilang pagkilala at pasasalamat sa naiambag niya sa kung anumang panulaan meron ako ngayon. Hindi pa kami nagkakakilala ng personal pero nakita ko na siya sa ilang mga salusalo.  Una kong nabasa yung tula niyang "Regarding Space" na nanalo sa Philippine Free Press nung college pa ako (Yun nga sana ang gusto kong isama na tula sa entry na ito kaso wala na akong mahanap online, kaya kung may makahanap sa inyo, pakibigay naman ang link, salamats). Mula noon, inabangan ko na ang mayaman niyang karera, hindi lang sa panitikan, kundi maging sa arkitektura at sining-biswal. Hanggang sa nitong huling linggo, nabasa ko ang mensahe ni Sir Vim sa LIRA na nasa hospital si Sir Sid. Kinabukasan nun, pumanaw na pala siya.

Wala siguro ako sa tamang posisyon, at maaaring kulang pa ang kaalaman o credentials para ipaliwanang kung gaano kalaki ang nawala sa hanay ng ating mga Alagad ng Sining sa kanyang pagpanaw (punta kayo kay Sir Marne para sa ilan pang pagbibigay-galang kay Sir Sid). Kaya't sapat lang muna siguro ang pagsaludo at pasasalamat ko sa mga kisameng kanyang pinalawak, mga aninong ipinasilip, at mga pintong ibinukas para makita ng karamihan ang mga kumikinang na espasyo sa kanyang mga tula. 

IN ABSENTIA
By Sid Gomez Hildawa

The sadness within these walls is the quiet
sadness of space itself; invisible, inescapable.
And hollow, like a forgotten well I'd like to fill up
with flood waters, lava, or quick-drying cement.
Departures are never as swift as the flick of a light
switch, or as definitive as the collapse into dust
cloud and rubble of a tall building under engineered
blasts of planted dynamite. You walk out in particles,

leaving granulated good-byes like very fine sand. I'm
sure some remnant of your reflection is still around,
bouncing off yet another conniving surface. Like once,

stepping out of the shower towel-drying my hair,
I caught the elongated image of your tanned body
mirrored by the metal door frame's shiny handle. So
you're still within these walls, zipping in perpetual
motion, an amorphous mass of energized atoms in some
theoretical physics equation where the effect of
friction is suspended. You're still here, though
not as I would have it: seated on the bed, your back
against last night's pillows, your arm outstretched,
pointing the remote control at a flickering screen.
You're here in fragments. I gather your presence
with each sweeping of the floor, the way a poem
remembers its former drafts, collecting dead skin
cells of former selves.

Posted by Siquey at 02:02 PM in MGA UTOT | 2 ang nag-flush

March 21st, 2008

Impiyerno, pinapalawak...

 Under construction
  
...dahil sa mga bagong mortal sins.
  
1. Environmental pollution - Dapat yung mga kuripot na operators lang ang ibato sa impiyerno, hindi sila manong bus drivers. Lahat ng mahilig magpabango o gumamit ng spraynet na nakasisira ng ozone layer, patay din kayo. Kapag mamatay din kami sa baho ninyo, susunod na lang kami.
  
2. Genetic Manipulation - maliban sa mga genetic engineers, kasama rin kaya dito sila Bello, Calayan at Ellen? Hmmm... Matagal mawawalan ng porn sa Pilipinas nito.
  
3. Accumulating excessive wealth - Hindi na si Bill Gates ang mauuna sa pila, pero mayaman din naman ang Vatican diba? at Pacquiao, excessive na ang wealth mo. Ibigay mo sa akin ang kalahati para hindi ka mabugbog sa hell. Tenkyu.
  
4. Inflicting poverty - Medyo malabo sa akin ito. Habang nagpapayaman ang iba, humihirap naman ang iba. Kaya lahat ng mas mayaman sa akin, walang pagkakataong mapunta sa langit. It's payback time.
  
5. Drug trafficking and consumption - Paano yung mga MedRep? Paano yung mga nagbebenta ng Pito-pito sa Quiapo? Andaming mamamatay nito. At hindi pala drug ang Marijuana. Hindi. Hindi. Pramis. Hindi.  
  
6. Morally debatable experiments -  Bawal magdissect ng palaka. Bawal gumawa ng bula gamit ang gumamela. Bawal lagyan ng hotsauce ang talaba. Bawal gumawa ng bata nang hindi nakahiga.
  
7. Violation of fundamental rights of human nature -  Isa pa ito. May de-kahon na ba talagang "fundamental rights of human nature"? Kung meron kang mahanap, pakipost dito kasi iba-iba ang makikita online. Kung tulad kong walang nakita, malamang nagkakasala ka na habang binabasa mo ang entry na ito.  
  

Posted by Siquey at 06:45 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

March 18th, 2008

"Spaghetti pataas, pataas nang pataas..."

**Repost na ito. Bakit? Wala lang. Gutom siguro.Ang korni ng ending amputa.Sentimental.letse.**iskapeti 

Kuwentong Spaghetti

Hindi ito isang normal na kwento.hindi tungkol sa pag-ibig.hindi tungkol sa pulitika.lalong hindi tungkol kay Gloria.

Mahaba-haba itong istorya.Kung tamad kang magbasa, binabalaan na kita.

Ito'y isang paghihimay sa aking karanasan bilang isang nilalang na mahilig sa spaghetti.

walang pansit dito.spaghetti lang.

nangyari ito nang minsang naisipan kong magbaon ng pagkain sa opisina.para makatipid.at para hindi na ako maglakad ng malayo sa paghahanap ng makakainan sa araw ng linggo.tsamba naman na kaarawan ng pamangkin kong si rhymuz, kaya naghanda sila. at may spaghetti.haaaay... skapeti.

bago ko ituloy ang kwento, nais ko lang ipaalam na ang spaghetti ay hindi lang basta isang ordinaryong pagkain para sa akin.malaki ang ginampanan nito sa aking pagkabata. Ito lang ang tanging handa na nais ko tuwing birthday ko.isang palangganang spaghetti.kalahati nun, sakin lang.pramis.dedma ang cake. basura ang pansit.walang kuwenta ang turon o sinuman.

basta, spaghetti lang.wala akong pakialam kung paano ang pagkakaluto, kung ano ang ginamit na sangkap, kung malinis o hindi. basta may puting hibla ng pasta at may pulang sarsa, spaghetti na yun.kahit ano ang sahog.kahit anong tatak ng ginamit na tomato sauce o ketsup, ok lang.spaghetti ang suhol ni nanay kapag ayaw ko ng pinapanood nyang That's entertainment tuwing martes.spaghetti ang pasalubong ni tatay pag may sakit ako't galing siya sa pasada.spaghetti ang sinasaksak sa bunganga ko kapag umiiyak ako.

kaya kaninang umaga,naghanap agad ako ng microwaveable na container para paglagyan ng spaghetting niluto ni ate virgie.dinamihan ko ng sauce.ginawa ko itong sabaw.nilagyan ko pa ng sangkatutak na keso para mas masarap.

nyamnyamnyam.

nag-aabang pa lang ako ng sasakyan, parang gusto ko nang lamunin ang aking baon.pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko ring maranasan na kumain sa pantry namin.habang nasa sasakyan ako, takam na takam na talaga ako at gusto ko na nga talagang hugutin ang tinidor na itinago ko sa itim na bag ng girbaud(yung pinaglalagyan nila kapag bumili ka ng bagong sapatos), para sumundot kahit ilang hibla man lang ng baon ko.pero hindi tlaga pwede.Kinandili ko ang spaghetti sa ibabaw ng aking hita at inalagaan sa kung sino mang nagnanais na magnakaw sa akin nito.Kung walang kuwentang hidwaan sa pagitan ng isang pinoy at kano sa Tulay ng San Juan ang nagpasimula ng labanan ng Pilipinas at ng Amerika, isang microwavable container na puno ng spaghetti ang pagmumulan ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig kapag may magkamaling umagaw ng baon ko sa akin.Huwag lang silang magkakamali.

pagkababa ko ng sasakyan, biglang nangyari ang hindi inaasahan.

napigtas ang tali ng bag ko.

nalaglag ang microwavable na baunan ko.

bumagsak sa aspalto ang mga umuusok pang pulang hibla ng aking baon.

ang aking spaghetti,natapon.

tangna, ang spaghetti ko, natapon.

wala akong kakaining lunch.

wala akong kakaining spaghetti sa lunch.

shet.pakshet.

tinitigan ko ang natapong pagkain sa terminal ng jeep.parang gusto ko pa ring pulutin at ihawi papasok sa baunan ang mga malilinis pang pasta para may lamunin ako pagdating ng pananghalian.ok pa naman siguro yun, wala pa namang 5 minutes.wala naman sigurong mikrobyo na nakulong sa pagitan ng mga puting hibla o mga amoeba na nalunod sa pulang sarsa, kasi kung may mikrobyo man dun sa pinagbagsakan ng spaghetti ko, nakita naman siguro nila yun at nagsitakbuhan sila bago lumapag sa lupa ang baon ko.nang papayuko na ako para pagtiisan kung ano man ang pwede pang kainin na tira o hindi masyado maruming parte ng baon ko, biglang sumigaw sa likuran ko ang isang babae.siya yung barker o tagatawag ng pasahero ng terminal."Ay, sayang naman yan!", sabi niya.bigla ako tumindig at may tumubong hiya sa magkabilang tainga ko."hayaan mo na", sagot ko.putangna.hindi ko na pinulot ang spaghetti ko.sayang talaga, tangna."letse ka manang!", sinigaw ko sa babae. joke.natapon na nga pagkain ko, magpapabugbog pa ba ako sa mga jeepney drayber?!

tinalikuran ko ang "crime scene" at pinilit ang sarili kong lumakad papalayo.nagsimulang tumakbo sa isip ko ang hitsura, amoy at lasa ng spaghetti.ang paghalo ng pasta sa sarsa.ang pagbabago ng kulay mula puti hanggang sa maging pula.ang pagtusok ng tinidor sa mga puwang ng mga hibla.ang pag-angat ng mga naglalambiting pulang hibla at ang pag-ikot ng tinidor upang yumakap sa ulo nito ang mga nahuling pasta.ang pag-aabang sa buhol-buhol na spaghetti, umuusok at papalapit sa sabik na bibig.ang paglapat sa dila, ang pagsara at tuluyang pag-angkin ng bunganga.ang pagnguya, ang pagtaas-baba ng panga.ang pagsalat sa bawat butil ng sangkap at lasang dapat malasap.ang malayang pagdulas ng mga nginata pababa sa lalamunan. ang mga maliliit na buntong hininga, kung may panahon pa, sa gitna ng bawat pagsubo't pagnguya.ang pagmamadali para sa isa pa at tila walang kabusugang pagsubo mula sa pawisin na kamay.at syempre, ang amoy spaghetting dighay.

haaaay, spaghetti...

spaghetti kong nalustay...

simula sa puntong yon, sigurado akong sira na ang araw ko.

lahat ng aking makita, spaghetti.

spaghetting kalye ng ayala, namumula, napakahaba.

spaghetting babae, sobrang puti, kulang sa sarsa (o carbonara?!?!)

spaghetting mga disenyo sa mga lampara,namumula para sa paskong malapit na.

spaghetting MMDA, naghahanap ng makokotongan.

spaghetting bus, nag-uunahan.

spaghetting jeep, nagsusumiksik.

spaghetting batuta ni manong guard.

spaghetting sulyap sa katabi.

spaghetting kurap, tila pagbati.

spaghetting umaga, pagbangon.

spaghetting araw, natapon.

sa opisina, hinang-hina pa rin ako.kinuha ko ang headset ko mula sa locker at dumiretso sa station ko.

auto-in."Thank you for calling.... blah-blah-blah-blah-blah... no maam, i can't help you.my spaghetti got splattered and scattered all over the highway on my way to work and i don't feel like helping you today.No, i don't speak english, do you? duh?!?.goodbye! " hindi ko naman sinabi yun sa mga customers ko, muntikan lang.Natapon na nga ang baon ko, alangan namang mawalan pa ako ng trabaho.

hindi ako nag-lunch, basta umupo lang ako sa station ko at nagmukmok ako na para bang sabay ang pakikipaghiwalay ko sa syota ko sa pagsakit ng tatlong ngipin ko.ganun ang pakiramdam ko.dahil sa natapong spaghetti.

pag-uwi ko mula sa opisina, dumaan ako sa pinangyarihan ng aking delubyo.wala na ang spaghetti.pawang mga pulang marka na lang ng sauce ang natira sa aspalto.siguro winalis na ng metro aid.o dili kaya'y pinulot ng ale kanina, saka pinakain sa mga anak niya.sana nga ganun.para at least, hindi nasayang.malinis pa naman talaga yun eh.pupulutin ko nga dapat kanina eh, naunahan lang ako ng nagmamarathon na hiya nang pinuna ako ng ale.

nang dumating ako sa bahay, tinanong ko agad si ate angie kung may natira pa. "may konti pa", sagot niya. agad umaliwalas ang paligid ko, tila nagkaroon ng fireworks ng Disneyworld at musical number ng That's Entertainment tuesday group sa harap ng aming bahay, kasabay ang paghe-head-bang ng aking mga di-lisensyadong alaga sa loob ng aking masebong tiyan.

tinidor.pinggan.mamaya na ang baso ng tubig.sige lang kahit galing pa sa ref.wala nang painitan.kahit pa maglasang sorbetes na spaghetti-flavored ang kinakain ko, ok lang.basta may lasang spaghetti, masaya na ako doon.iinit din naman yan sa piling ng mga bulate ko eh.

tusok.subo.nguya.lunok.

tusok.subo.nguya.lunok.

tusok.subo.nguya.lunok.

tusok.subo.ngata.sinok.lagok.lunok.

sapo sa tiyan,haaaay...

dighay.

buhay.

buhay spaghetti.

spaghetting buhay.

spaghetti.

Kuwentong spaghetti ng aking buhay.

Isa lang ang spaghetti sa mga napakaraming bagay na naitapon at nasayang sa aking buhay.

Marami nang bagay ang tumaob at pasadyang naitaob sa aking harapan.

Pangarap, pag-ibig, kaibigan, alaala, pamilya.

Marami pang bagay ang tataob at pasadyang maitataob.

Marami pang bagay na matatapon sa aking paglalakbay.

At kung mamalasin (o nanaisin), gaya ng aking spaghetti, baka ako na nga ang masayang, matapon o tumaob.

Ayaw ko naman talagang ihambing ang karanasang ito sa buhay ko ngayon.

ngunit hiling ko lang, kapag ako'y maging tulad ng aking spaghetting natapon, nawa'y mapili't malasap ang aking mga sulok na malinis na natipon.pero kung wala talagang pag-asa at hindi na matiis, sana'y kahit papaano, sa aki'y may makaisip man lang na magwalis.

***ang korni talaga...***

Posted by Siquey at 08:04 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

March 17th, 2008

"There's comfort in an imperfect present..."

May bagong bookstore sa Market! Market!. Buy-the-book. Nakahanap ako dun ng sangkatutak na poetry books at hindi ko napigilang bumili ng ilan. Nagpapalpitate kasi ako pag hindi ko pinagbigyan ang sarili ko, lalo na kung sapatos at libro ang pinaguusapan. Mura yung mga libro nila. Kapag bumili ka ng Neruda sa Powerbooks, hindi bababa ng 1k ang mahaharang sa iyo, pero dito, 49Php ang pinakamura, 199Php ang pinakamahal. Matapos kong bumili ng anim na libro, sampung araw yata na sweet and spicy na pancit canton at ampalaya ang giniling ng tiyan ko. Maliban kay Seamus Heaney, si Henry Shukman ang pinakanagustuhan ko sa mga nabili ko. Bakit? Heto and dalawang tula. Basa. Basa.
   
New Year TrainIn Doctor No's Garden
by Henry Shukman
 
Our train grumbles through suburban night.
Orange stars wheel by, ghosts in the window
down cans of lager. There'll be parties later.
   
I read a poem by a man from long ago
in which that man, one slushy November,
reads poems by a man from long ago.
   
He called it dark winter, the eleventh month:
a time for looking back. Here on the train
the year is done. I think back; November:
    
the year is a house, and November is a quiet room.
One should sit at a desk and watch rain fall
on a lawn. I was busy. My life is full
    
of missed Novembers: the cottage I left,
the flat I could have stayed in -  if only
I hadn't moved, had settled, it would have done fine.
    
Better than anything since. I don't mind exactly.
There's comfort in an imperfect present,
in knowing we can be less than we might be.
    
And am I not just approaching the year's fence,
preparing to barrow dead leaves against it?
The train gathers itself in a rattle of triumph
    
as if moving towards something that will really happen.
Station by station we desert it,
and it travels faster, lighter into the night.
   
 
After the Radiology
by Henry Shukman
 
Driving home from the hospital,
you say, Those clouds have a gold lining.
 
I look up and it's true,
but I don't want to think about it.
  
Instead I see myself going to the shops
and coming home too late;
  
or waking beside you one morning
and thinking you're asleep.
  
I want to be with you in this, but I'm not:
if I lose you you lose more.
  
Tomorrow we'll know everything,
you say, and turn to me with a smile.
  
(From In Doctor No's Garden, published by Jonathan Cape. Copyright © 2002 by Henry Shukman..All rights reserved. Used without permission.)

Posted by Siquey at 01:53 PM in MGA UTOT | gumamit ng banyo

« Newer 9 entries | Older 9 entries »
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon