poso-negro ni siquey...

Entries for October, 2005

October 6th, 2005

sa simbahan ng baclaran


first time ko pumasok sa simbahan ng baklaran.dumating kasi ako sa bahay ng mga 6:30 ng umaga.kumakain ako ng hotdog at maling nag pumasok si ate ruby.nagyaya siyang magsimba kasama ang asawa niyang si kuya jun na kararating lang mula sa Dubai.unang miyerkules kasi ng buwan.Hindi ko na rin tinanong kung anong meron sa unang myerkules ng buwan.Kaharap ko rin non si nanay, na tuwang-tuwa sa paghigop niya ng kapeng barakong wala namang lasa(oo,peke ata yun).hindi ko alam kung ano ang pumasok sa bunbunan ko at napa-oo ako sa pagsama sa Baclaran.

Hindi ako nagsisimba.Agnostic kasi ako, kaya naniniwala akong kahit sa loob ng banyo,pwede akong makipag-rapport sa diyos.Hindi ko na nga maalala kung kelan at kung saan ako huling nagsimba.Basta kapag simbahan na ang pinaguusapan,umuurong agad ako.tinatamad agad ako kapag may nagyaya na.Kung sumama man ako,siguradong iba ang dahilan kung bakit ako sumama.Tatlong dahilan: Babae.Cleavage.Meryenda.At abangan niyo, kasi nakuha ko lahat yung mga yun sa baclaran.

Huling bisita ko sa baklaran ay nung hunyo.makikipagkita sana ako sa isang ex.sa kasamaang palad, hindi siya sumipot.nung kami pa kasi, sa baclaran ko siya sinusundo.dederetso naman kami agad sa kung saan man ang napagplanuhang puntahan.pero kadalasan, isang lugar lang yon.Motel.or sa bahay ng barkada ko sa cubao.either way, isa lang ang gagawin namin: mag-aaral.joke.totnak.

Kaya siguro iba ang tingin ko sa baclaran.nakatanim na siguro sa isip ko na ang malansang baklaran: huntahan ng libog.pinupuntahan lamang kapag may lumilikot na damdamin at mas malilikot na ari.

Sumama si nanay sa amin.yun ang unang problema.kung may nanay kayo, alam niyo ang ibig kong sabihin.mas madaling tibagin ang pinagpatong-patong na adobe kaysa sa pagsabihan ang nanay mo na huwag gamitin ang manipis na bag niya kasi baka butasin lang ng mga katoto nating snatcher.Isa pa, mahirap siyang hilahin kapag may mga nakita siyang naglalako ng mga orchids at floor mats sa harap ng simbahan.pramis.

pagkapasok namin sa gate ng simbahan (matapos naming hilahin si nanay),di ako makapaniwala sa kapal ng tao.relihiyoso talaga ang mga pinoy.at sobrang galing gumawa ng mapagkukunan ng pera.maliban sa basahan at mga halaman,may mga nagbebenta rin ng mga kakanin, panty, bra, charger, glowing crucifix, pajama, medyas, kabute.malamang may prosti rin doon.

malaki ang simbahan.at lahat ng sulok nito ay may mga nagsisiksikang tao.lahat ng pwedeng upuan;naupuan.lahat ng pedeng tayuan, may nakatayo.hindi ko masyado napansin ang detalye ng loob ng simbahan ksi nga, sobrang kapal ng tao.andaming nagdarasal.tangna, queing sa langit (suggestion kay godffshore ng langit.maglagay ng center sa pilipinas.never sa india).kapag mga ganitong pagkakataon,pinipilit ko talagang pumasok (kasi sayang yung mga anak ng mga politiko at negosyante na maaaring nakaupo sa loob ng simbahan.sila madalas ang pinapaupo kasi sila yung maraming donasyon sa simbahan.kung walang magandang anak, ok na siguro kahit nanay), kaso ngayon, wala kong lakas makipagtulakan kasi nga puyat ako.18 hours na akong mulat.

kapansin pansin ang mga 21-inch flat screen monitors sa bawat poste ng simbahan. humigit-kumulang 40 na flatscreen tv ang nakasabit, na siya namang tinitignan ng mga tao, saan mang sulok ng simbahan.doon sila sumasabay sa dasal ng pari.yung iba naman, merong mga prayer books.sila siguro yung mga deboto sa simbahan.o kaya naman'y nagoyo lang nung mga nagtitinda sa harap ng pamosong simbahan.naisip ko nga kung ano ang mga pinapanood ng mga nakatao sa simbahan kapag gabi? paano kaya kung sabay-sabay na magpalabas ng porno sa bawat telebisyon? interesting. kung ako ang pari, una sa listahan ko ang baklaran na pagmimisahan dahil maliban sa dami ng taong nagbibigay ng donasyon dito, kanlungan pa ito ng mga pulitiko.priests' paradise, kumbaga.sumiksik na lang ako sa sulok.sayang nga lang at hindi ako naka-contact lenses.hindi ko tuloy naisuot yung shades ko.mas madali kasing manilip ng cleavage kapag may shades ka.kumbaga, walang huli. makita man ng sinisilipan mo (o ng syota/asawa/kabit/kapwa maninilip), pwede mong itanggi kasi hindi naman nila makikita ng ang direksyon ng titig mo.

(itutuloy...)

Posted by Siquey at 05:26 AM in Mga kwento | gumamit ng banyo

October 13th, 2005

sa simbahan ulit...

(pasensya na kung ngayon ko lang naituloy itong kwento ko sa pagbisita sa baclaran.busy sa opisina.joke.tinatamad lang talaga akong magsulat.hehehe)

sobrang pagod na ako.minabuti kong umupop sa isang sulok ng simbahan, sa may hagdan.nakihawi na lang ako dun sa isang babae na nakauniporme ng nursing.pero after 2 minutes, naghahanap na ako ng banig o kahit karton na mailalatag sa sahig dahil gusto ko nang matulog.

tumayo uli ako at nagpasyang ikutin ang simbahan.sigurado akong marami pang interesanteng mga nilalang sa kabilang panig ng simbahan.at najijingle na ako.sa paghahanap ko ng taong matatanungan sa kung saan ang restroom nila(oo rest room.hindi comfort room.sabi kasi ng mga taga-call center,wala namang comfort sa banyo, unless nagsesex kayo palagi dun), naksalubong ko ang isang tricycle na may bumababang matandang pasahero.edad otsenta na siguro yung babae, at hirap nang maglakad.kumakapit siya sa sidecar ng tricycle at pilit hinihila ang katawan para sa pagtayo.halos walang maitulong ang batang kasama ng matanda.nagawa lang nitong panoorin ang lola niya.buti na lang at sumaklolo ang drayber ng tricycle at agad hinila ang upuan na nakatali sa ibabaw ng sasakyan.piknik na ito.may mga pinggan, palanggana, sako ng kung anu-anong tela ang nakapatong sa tuktok ng traysikel.pinilit ko ngang maghanap ng mga nakasiksik na kambing o baboy sa loob ng traysikel e.magmumukha itong naglalakad na bahay kapag bumaybay sa kahabaan ng edsa.
pinaupo na lang si lola sa tabi ng traysikel,sa labas ng simbahan.kung tutuusin, walang pinag-iba ang pagdarasal ni lola sa lugar niya ngayon sa labas ng simbahan at sa mga taong nasa loob ng jollibee sa kanto at kumakain ng french fries.kung ano ang naririnig ng mga namamalengke, yun din ang naririnig ni lola.paniniwala lang siguro ang pagkakaiba.dahil sa likod ng mga bulaklak at kung anu-anong nailalako at nangyayari sa paligid ni lola, tiwala na lang niya sa diyos ang kumukumot sa kanyang nadarama.drama.at naiihi na talaga ako.
hayaan muna natin si lola.

nakahanap ako ng guard at kahit malabo, binigay nga niya ang direksyon papunta sa banyo.

Posted by Siquey at 05:09 AM in Mga kwento | gumamit ng banyo

October 14th, 2005

SINO ANG GUILTY?

tangna...

ayos ito...

magigising ang mga lalake...

magwawala ang mga babae...

ANG GUSTO KONG LOVE
===XTSiege====

Ang gusto kong love
Yung masarap magbigay nang backrub
Yung hindi mahihiyang makipaghalikan sa taxicab
Yun, yun ang masarap na love

Ang gusto kong love
Yung tipong pipigalan ka mag-yosi
Di ka papayagang mag-sindi
Kaya matututo kang maglumlum nang candy
Kasi nga, bawal na sayo magyosi
Allergic daw sya sa yosi
Tapos magmomonologue nang:
?Magyoyosi ka na naman? Kakayosi mo lang, ah
Nagyosi ka na nga bago kumain
Magyoyosi ka pa pagkatapos kumain
Pang-apat na stick mo na yan
Akala ko ba sabi mo di ka na magyoyosi?
Di mo ata ako love, eh.?
Pero actually
Lahat nang tao sa bahay nila, adik sa yosi
Nanay nya, tatay nya, mga kuya nya
Allergy-allergy?Meron bang allergy sa yosi?
Alam nyo yun, yung tipong
Gusto nya lang masabi nang mga tao na
?O kita nyo, napasunod nya yung boyfriend nya?
Yung tipong ganun ka-controlling
Yun. Yun ang tipo kong love
Medyo controlling.

Ang gusto kong love
Yung hindi mahihiyang magpalibre
Kahit compared sayo, yung allowance nya doble
Yung pagmanonood kayo nang sine
Hinding-hindi maglalabas nang wallet
Hihintayin kang magbayad para sa ticket
Kaya kahit para sa bulsa mo masakit
Iisipin mo na lang
?Ayos lang, love ko naman
Pero sana, sya naman gumastos paminsan-minsan.?
Yung tipong ganun na love
Kasi feeling ko, pagnahihiya sya gastusin ang pera mo
Nahihiya rin syang tanggapin ang love mo
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo magastos.

Ang gusto kong love
Yung tipong pagkasama nyo ang barkada mo
Biglang makikipagkwentuhan sa iyo tunkol
Sa mga topics na hindi naman alam nang barkada mo
Para lang ma-alienate ang barkada mo
And just to show it to them na
Meron na kayong sariling mundo.
Yung tipong biglang makikipagkwentuhan sayo
Tunkol sa plans nyo na mag-out-of-town this summer
O kaya tunkol dun sa movie date nyo
Na as usual ay ikaw ang magbayad
So hindi tuloy makakasabay yung mga barkada mo sa usapan
Dahil kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Kaya susubukan mong ibahin ang topic
Pero ibabalik nya dun sa plano nyong pumunta nang Subic
O kaya bigla nyang maiisipan na i-update ka
Tunkol sa buhay-buhay nang mga friends nya
Kaya yung mga friends MO, naka-tanga
Kasi kayong dalawa lang ang tawa nang tawa
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo elitista.

Ang gusto kong love
Yung mumurahin ka sa text pag hindi ka nakapagreply
Kasalanan mo bang maubusan nang load
Sa gitna nang immersion nyo sa Sitio Payonggayong
Sa gitna nang Mindoro Occidental?
(Tunog nang Text: Tutututut-tututut)
?Hi, LOVE. WHAT R U DOING??
(Tunog nang text)
?HEY, BAKIT DI KA REPLY. SAD FACE.?
(Tunog nang text)
?HMPH. BUSY KA ATA. SIGE GUDNAYT NA.?
(Tunog nang text)
?PUTANGINANGMONGHAYOPKA. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. OK FINE, WAG KA MAGREPLY. NAGSESEX KAYO NO? NAGSESEX KAYO NO? PUTA KA. GAGO.?
(Tunog nang text)
?Hoy. Sorry na. Ikaw kasi eh. Di ka nagrereply. Sorry po. Mwah.?
Yung tipong ganun
Yung tipong kaya naimbento ang SUN CELLULAR
Para sa ganung klase nang love
Yung tipong ganun na love
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo demanding.

Ang gusto kong love
Ang gusto kong love yung pagnasa simbahan kayo
Sa gitna nang misa
Uutusan kang magflex nang bicep mo
Tapos pagprapratisan nang suntok nya
Palakas nang palakas, tapos magtatanong pa
?Masakit ba??
Ikaw naman, parang tanga
?Hindi, Sige, lakasan mo pa?
Pero sa totoo lang, naiiyak ka na
Kasi mga muscles mo namamaga na
Hanggang bukas, braso mo manhid pa
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo mahilig sa boxing.

Ang tipo kong love
Yung makikipag-agawan pa para sa last piece of pizza
Yung kinikilig pag ika?y kumakanta
Yung ang tawag sa mommy mo, ?Tita?

Yung memorized ang schedule mo every semester
Yung alam kahit na plate number
Nang kotse nang kuya mong Wheelers International Member

Yung makikiprint nang thesis nya
Tunkol sa POSTMODERN THEORIES ON THE TRI-MEDIA
Kasi nang-hihinayang daw sya
Baka daw maubos ang ink nila

Yung tatanungin ka kung sino ang mas gusto mo ma-i-kama
Sya ba o si Jen Rosendhal ba?
Tapos maiinis pang sumagot ka.
Naman, si Jen yun eh. Ano naman ineexpect nya?

Ang gusto kong love?
Yung sa akin lang sya in-love.

--got this from www.livejournal.com/~thesiegeison

Posted by Siquey at 05:15 AM in Mga kwento | gumamit ng banyo

October 18th, 2005

KUNG AKO SI GLORIA

ito ang unang tulang pulitikal ko...

nagawa ko matapos makatanggap ng tawag mula sa isang kano na dating may crush kay Imelda Marcos...

(ewan ko lang kung crush niya pa rin hanggang ngayon)

KUNG AKO SI GLORIA

lilinisan ko
ang ilog pasig
at lilisanin
ang palasyong naghihilik
upang magtago,
sumiksik sa ilalim
ng mga putik, burak,
tinik ng galunggong
at mga bangkang
papel na lumubog,
naluglog kasama
ng mga pangakong inaamag,
sistemang nagnanaknak,
pangarap na nakatambak,
at anumalyang
di na maharap,
kung ako si gloria.     

buti na lang ako si mike.

Posted by Siquey at 04:06 PM in Mga Tula | 3 ang nag-flush

October 31st, 2005

how real can this be?

Real life is personally making the pasta,

then watching your girlfriend,

who was supposed to make the sauce,

open a can.

+Jessica Zafra, from the short story " My Dog is Dead"+

Posted by Siquey at 11:25 AM in Mga kwento | gumamit ng banyo

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon