poso-negro ni siquey...

Entries for May, 2006

May 8th, 2006

Sa Kolehiyalang Sumisipsip ng Ketsap ng Mcdo

Sa Kolehiyalang Sumisipsip ng Ketsap ng Mcdo
 

Hindi tayo nagpapang-abot
sa layo ng ating pagitan.
Ni tingin, di maitulay
ang aking kahilingan
na makasama ako
sa bawat mong pagkilos at hininga,
sa paggalaw at pagpanaw
ng malagkit kong tanaw.
Marahil, kinakailangan ko pang
maging pawis na gugulong pababa
tungo sa iyong dibdib,
usok at alabok na aakap
at aangkin panandali,
ketsap na kakapit sa labi
na iyo namang didilaan at lalasapin
bilang isang ninanais na dumi.
Di pumapanaw na tanaw,
sa iyo'y lumalatay;
Tingi-tinging tingin
ang siyang tanging alay.

Posted by Siquey at 01:05 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

Putang Ina,Inang Puta

Putang Ina,Inang Puta

Putang inang inang nagpuputa
para mapalaki ang anak
na marahil ay magpuputa
at magiging ina rin sa kinabukasan.

Bubuksan ang mata ng paslit
sa maling pilit itinatama ng lipunan,
parang katiting na bayag
na di maisuksok, di makasundot
sa putang nakabukaka na't
nagbibilang pa ng susunod na kakantot.

Nagpapahindot, nilulunod ang sarili
sa brotsa de lababo't malapot na laway,
sa layaw ng mga baboy na makakapagtulay
sa hilab ng sikmura, makakapagpabigat
sa gaan ng bulsa.

At sa halip na magpahinga
pagdating sa bahay, inuuna muna
ng putang ina ang pagkapa
kung basa ang lampin, ang pagsaing
upang may am na ipapakain,
ang paghele sa anak na antukin.

Walang putang ina.
Puro sila inang puta.

Silang mga umaalis na puta.
Silang mga umuuwing ina.

Posted by Siquey at 01:07 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

Mga Pulang Mantsa sa Palda ni Nena

Mga Pulang Mantsa sa Palda ni Nena

Araw na putla.
Luksa. Luha. Halu-halo.
Bomba:Taas.Baba.Taas.Baba.
Salok. Salo.
Lupa. Pula.

Laba, Nena. Sutla. Mutya.
Palo. Kusot. Banlaw. Suot.

Sutsot ng Batoda, Videoke.
Magic kapote, sinasamba.
Kabibe, sinasalba.
Hotdog, Tumataba.
(May keso pa.)

Pulis. Sipol. Buwaya.
Bala. Barya. Pera.
Tikol. Likot. Kislot.
Takot. Bukaka. Kaba. Tulala.
Pinagkasya.
Taas. Baba. Taas. Baba.
Si Nena ay bata pa.
Uhm, ah, uhm, ah, ah.
Pinanganga. Pinabomba. Jinubanga.
Taas. Baba. Taas. Baba.
Si Nena ay bata pa talaga!
Uhm, ah, uhm, ah, ah.

May tagos.
Ang sagot, lumagos.
Pababa sa lupa. Pula.
(Pataba sa Lupa!)
Pababa. Nang pababa.
At pababa.
Hanggang sa mawala
si Nena sa ilalim ng palda,
kumot ang lupang namumula

Posted by Siquey at 02:06 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon