poso-negro ni siquey...

Entries for August, 2007

August 1st, 2007

KG to Boston

Untitled

Sa wakas, mananahimik na si Bill Simons at ang tatay niya: Celtics na si KG, madarpakars. Hindi man nila nakuha si Oden o si Durant nung lottery, pwede na sila ngayong makipagsabayan sa mala-DLeague na Eastern Conference. Siyempre, kailangan muna nating makita kung paano ang pagkamada sa Pierce-Allen-KG trio, pero shet naman, aabot na naman siguro ngayon ang Celtics sa playoffs.

Pero talo pa rin kayo sa Phoenix, hehehe. Go Suns!!!  (Tangnamo Donaghy!!! Biniktima mo ang Suns!!!)

 

Posted by Siquey at 01:55 PM in Mga Bola | gumamit ng banyo

Para kay Lolo Pio

 Untitled
   
The City's Oldest Known Survivor of the Great War
James Doyle

marches in uniform down the traffic stripe
at the center of the street, counts time
to the unseen web that has rearranged
the air around him, his left hand
stiff as a leather strap along his side,
the other saluting right through the decades
as if they weren't there, as if everyone under ninety
were pervasive fog the morning would dispel
in its own good time, as if the high school band
all flapping thighs and cuffs behind him
were as ghostly as the tumbleweed on every road
dead-ended in the present, all the ancient infantry
shoulder right, through a skein of bone, presenting arms
across the drift, nothing but empty graves now
to round off another century,
the sweet honey of the old cadence, the streets
going by at attention, the banners glistening with dew,
the wives and children blowing kisses.
  
Bigla kong naalala ang Lolo ko.
  
Pio Bonoan ang pangalan niya. 1910 siya ipinanganak. Namatay siya nung 2003. Yap, umabot ang lolo ko sa edad na 93. Gudlak sa ating lahat.
  
Aaminin kong kulang ang atensyon na naibigay ng pamilya sa kanya, lalo na nung nagsimula siyang maglasing araw-araw. Kung tutuusin ayaw rin naman siguro niya talagang mapansin. Lahi nga ata kami ng mga suplado. Wala kang itulak-kabigin sa bisyo ni Lolo Pio: Babaero. Lasenggo. Barumbado. Bulakbol. Hindi nagsisimba. Magaling magmura. At lalo pang mahirap kasi ayaw magpaalaga at ayaw magpaturo. Gusto niya, siya lang ang gagawa ng lahat. Dahil sa walang puknat niyang pag-inom sa Bangui, ipinadala siya sa Manila. Ang ginawa niya sa Manila: gumawa ng walis tingting at humabi ng duyan yari sa straw. Hanggang ngayon, buhay pa rin yung mga duyan na ginawa niya.
  
May mga pagkakataon din namang nakakausap namin siya ng maayos. Nagkukuwento siya tungkol sa mga babaeng naka(sa)ma niya (paborito niya ang mga Haponesa), mga taong binugbog niya, mga kamatayang nasaksihan niya, mga kalokohan niya nung kalakasan pa niya. Naging drayber siya nung panahon ng Hapon. Muntikan na raw siyang mapatay ng isang Sundalong Hapon nang pumunta sila sa Cagayan. Tinutukan daw siya ng baril. Pero hindi naman pinaputok. Yun ang mali nung kalaban.
Ang ginawa ng Lolo ko, tinambangan nya si singkit, tapos nilumpo yung dalawang paa ng Hapon. Tsk, tsk, tsk... Wala kayo sa Lolo ko! =)
  
Kapag nagkukuwento na siya, nagsisimulang lumabas yung ibang Pio. Marunong din naman siyang ngumiti. Marunong din naman siyang magbiro (corny nga lang).Marunong din siyang magpalambot ng puso.
  
May kahon sa ilalim ng kama niya na palagi niyang ipinagmamalaki kapag may salu-salo ang pamilya. Nakatago sa loob yung mga medalya at iba't-ibang abubot  na ibinigay sa kanya dahil sa mga ginawa niya nung giyera. Ang sabi nga niya, siya lang daw ang may ganun sa bayan namin. Pero kung tutuusin, ibinigay lang ang mga medalya dahil nabuhay siya. Dahil hindi siya nabiktima ng mga Hapon. Dahil may mga giyera pa siyang pagdaraanan, pero hindi niya kailangan ng baril o tabak o ng kung ano pa mang armas. Ang kailangan niya lang ay mga alaalang bubuhay sa pinili niyang nakaraan. Yun nga ang silbi ng mga iniingat-ingatan niyang mga medalya.
  
Giyera ito ng panahon. Giyera ng pagtanda. Giyera ng paghihintay.
  
Lolo,buhay ka sa aking alaala.  
Kailanman, hindi ka matatalo sa Giyera.

Posted by Siquey at 08:01 PM in Mga Tula, Mga kwento | gumamit ng banyo

August 6th, 2007

para sa biag ko...

Kung ako ang Hari ng mga ipis,
inyong kilalanin at magbigay-pugay sa Reyna ng poso-negrong inyong nilalanguyan...
Tsaraaaannnn!!!
Ipis Royalties...
at wala pa man akong maisulat na tula para sa aking musa (dahil hindi ako prolific at dahil ayoko ng basta-basta lang para sa kanya), may iba pa namang paraan...
Tulad ng litrato na aking nakuha: pusong kumakaway sa dilim ng gabi.
puso sa pader
Tunay ngang Love is all around... (Corny!)
Ay-ayaten ka, Biag ko...=)

Posted by Siquey at 07:37 PM in Mga kwento | 4 ang nag-flush

August 20th, 2007

kailangan ng ransom

                       

           

                

           


                                             


                           

 

Gusto mo ring ma-kidnap? punta ka dito.

Posted by Siquey at 07:38 PM in Mga kwento | gumamit ng banyo

August 27th, 2007

Kung mag-resign ako...

Huwag ka nang magtaka!

Hindi ako nag-iisa...

At opo, nasa Makati rin ang PipolSupot, hehehe...

Untitled

Huwag/Ayoko lang sanang maulit ito...

Posted by Siquey at 08:56 PM in Mga kwento | gumamit ng banyo

August 28th, 2007

Buwakanangpakshet siya...

Una sa lahat, sawa na ako sa diskriminasyon.

Sa paglipas ng panahon, kung anu-anong pag-uuri na ang ginawa ng tao para lang magkaroon siya ng kaibahan sa kapwa niya. Hindi ko makalimutan yung sinabi ni Sir Vim Nadera nung lecture niya sa LIRA last year. Sabi niya, may tatlong klase ng diskriminasyon: Uri, Ari, at Lahi. 

Uri yung katayuan mo sa buhay. May mayaman, may mahirap. Mas nakatataas ang mga de-kotse kesa sa mga de-kariton. Panis ang naka-Wings sa nakasapatos ng Jordan 22. Walang kwenta ang galunggong ni Mang Pepe sa caviar ni Don Facundo.

Susunod ang paghahari ng mga Bayag. "Kapag babae ka, parausan ka lang naming mga lalake." Isang pahayag na nagpapalubog sa Kababaihan. "Hoy Jokla, isubo mo ako." Tulad din ito ng nauna, ngunit sumasampal naman sa mga Bakla. Parehong pahayag ay diskriminasyon sa Gender o Ari ng kapwa.

Kapag maputi ka, isa kang Diyos. Kapag maitim ang balat mo at kulot ang buhok mo, hindi ka tatawaging "Mama" o "boy" o kahit man lang "Pssst" sa kanto. Dalawa lang ang lalabas sa bibig ng mga tao: "Negro" o "Ita." Kapag may sumigaw ng "Yo mha mheennn!", ikaw pa rin ang tinatawag kahit hindi ka naman kano. Hindi lang sa kulay tumitigil ang diskriminasyon sa Lahi ng isang nilalang. Kapag napagpapalit mo ang "e" at "i", o ang letrang "o" at "u" sa isang salita, "Bisaya" ang tawag sa iyo. Kapag dumayo ka sa isang court at hindi maganda ang coordination mo sa larong basketball, "bisaya" ang laro mo. Kapag nag-tetext ka sa harap ng Jollibee na maraming sukbit na supot, "bisaya" ang tingin sa iyo ng mga kumakain sa loob. Kung tutuusin, hindi naman siguro nakasasakit kung taga-Visayas ka nga. Ang masaklap, Inday o Dudong na ang ibabansag agad sa iyo. Hindi matapos-tapos ang mga kahalintulad na diskriminasyon sa lahi. Ni ayoko nang ungkatin pa ang nangyayaring diskriminasyon sa kapatid nating mga Muslim. Kapag sinimulan ko pa yun, kalahati ng isusulat ko ay puro "Bwakanangpakshet" dahil nasasaktan ako kapag mga Muslim palagi ang buntunan ng galit.

Maganda yung classification na ginawa ni Sir Vim. Pati si Sir Marne, sang-ayon sa tumpak na ideya niya. Nang maipaliwanag niya ang bawat punto, bigla niyang itinanong: Sino ang nakatatanggap ng pinakamasaklap na diskriminasyon sa Pilipinas?  Ang sagot: Itang Bading. (Shet. Imajin niyo yung tinatanggap na panlalait nun.)

At nang mabasa ko yung spam ng isang ka-opisina ko pagpasok ko, bigla akong na-badtrip. Kakatapos lang ng lunch namin ng Biag ko, tapos ganito ang mababasa ko? Isang kapwa manunulat (o taong magaling lang mag-english na maraming pera) ang nakaisip na isulat at laitin ang mga taong noon lang niya siguro nakita. Naisipan lang niyang ilabas ang Laptop niya (notebook ata ang tawag ng mga burges dun), amuyin ang mga amoy-pawis na tao sa airport, pansinin ang mga katabing sabik sa pag-uwi at sabik maka-usap ang kapwa Pilipino, at kutyain ang lahat ng pwedeng kutyain para lang maipakita niyang "iba" at mas dominante siya sa mga OFW na kasama niya sa loob at labas ng eroplano.

Shet. Tangna niya.

Basahin muna ninyo ang ilang mga bahagi ng isinulat niya, kasama ng ibang responses niya sa mga readers. May mga "Putangina", "Gago" at "Bwakanangpakshet" pa kayong mababasa mula sa akin sa huling bahagi ng entry na ito, resulta ng kalokohan ni Malu Fernandez.

(Note: Hindi pa naman Tulfo ang apelyido ko.)

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Malu Fernandez, Manila Standard Today, Bigotry In The Media 

With the recent irresponsible, elitist, bigoted, and discriminating comments made by Manila Standard Today columnist Marlu Fernandez in her People Asia magazine article “From Boracay to Greece” in which she makes many belittling comments about Overseas Filipino Workers and Filipinos in general, the response from Filipino bloggers have been overwhelming, and have not been light on the criticism. When do we say enough is enough and that we will no longer stand for the bigotry and discrimination that takes place, not only in this country but all around the world?

For her part, in her “apology”, Malu Fernandez addressed the emails responding to her article. However, the apology, was nothing more than another attempt to take a jab at Filipinos and to once again assert that she’s an elite that those in lower socioeconomic classes just fail to understand or comprehend her “wit”.

The People Asia Article

People Asia Magazine Malu Fernandez Article malu fernandez people asia article


Key Statements In Malu Fernandez’s People Asia Article

However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of the OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.

While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of “HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?” Translation: “Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?” I though I had died and God had sent me to my very own private hell.

On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air.

All in all, it’s been a pretty good summer. Jetting from the Aegean Sea to the Pacific may sound a bit pretentious until you wake up in economy class smelling like air freshener.

Response By Malu Fernandez

Understandably, The Manila Standard Today, received a few emails of complaint, so Malu Fernandez decided to respond.

As I type this, I’d like you to know that it’s not about whining, complaining and bitching but just stating the facts. Just recently, I wrote a funny article in my magazine column and my friends thought it was hilarious. It was humorous and quite tongue-in-cheek, or at least I thought so, until the magazine got a few e-mails from people who didn’t get the meaning of my acerbic wit. The bottom line was just that I had offended the reader’s socioeconomic background. If any of these people actually read anything thicker then a magazine they would find it very funny. Most people don’t get the fact that they need bitches like me to shake up their world, otherwise their lives would be boring and mediocre. I obviously write for the a certain target audience and if what I write offends you, just stop reading.

Although it may sound elitist to you the fact is this country is built on the foundation of haves, have-nots and wannabes. One group will never get the culture of the other. Although I could mention that it is easier to understand someone who has a lower socioeconomic background that would entail a whole other page and frankly I don’t want to be someone to bridge the gap between socioeconomic classes. I leave that to the politicians in my family who believe they can actually help. Now I seriously ask you, am I being a diva or are people around me just lacking in common sense? Perhaps it’s a little of both!

Response To The Response

First of all, there is nothing funny about bigotry, and tongue-in-cheek does not have to entail irresponsible and insensitive statements such as the statements made in her article.

Second, she mentions a few emails, but only mentions the offense of one reader’s socioeconomic background. Notice that reader’s is singular (is this an editing mistake, are there actual editors who edit this crap?). Or maybe, Malu meant that all the emails were complaints of readers having their socioeconomic background offended. But either way, the fact that Malu tries to deflect the actual complaint and goes on another rant in which she again lambastes lower social classes, making another strong statement that indeed she is an elite herself, is further proof of her worth as displayed by her perceived higher class status. In her illogical rant, she implicitly says that the poor have lost their reason to understand her discriminatory comments.

Let me make it clear, the offense is not based on a socioeconomic issue, the offense is based on her statements of bigotry, discrimination, and intolerance against her own countrymen. Politicians, I mean noteworthy and honorable politicians, certainly do believe that they can make a difference. Just because she feels that she can’t make a difference, doesn’t mean it’s a lost cause. The fact that people are actually trying is much more noble, than playing aristocrat and hinting that The Philippines is a lost cause. Yes, I do believe, we can make a difference. And this means, calling out horrible individuals like Malu Fernandez.

I wonder if these acerbic statements will be too harsh for Malu’s diva reality?

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ 

Tangnamo. Bwakanangpakshet ka. Gago. Naglaslas ka na nga lang sana. (Sabi ko sa inyo e!)

Kung talagang may pinag-aralan ka, humingi ka man lang sana ng paumanhin. Yun lang naman e. Hindi ba yun itinuro sa kung saang Kumikinang na Unibersidad ka man nanggaling? Hindi na namin hinihinging sunugin lahat ng naimprentang kopya ng ginawa mo. Alam naman naming mabaho kami. Alam naman naming maingay kami. Alam naman naming minsan, lumalampas kami. Wala ka nang magagawa dun. At mas lalong wala kang naitutulong. Pinoy ka rin di'ba? Mabantot ka rin. Maingay ka rin. Sigurado ako, sabik ka rin sa pamilya mo kung nagtrabaho ka sa malayo at gusto mo na ulit silang makasama (maliban na lang kung cloned ka lang sa kung anong uri ng hayop).

Limang letra lang para sa mga OFW's: S-O-R-R-Y.

At kung talagang trabaho mo nga ang mangutya ng mangutya, gawan mo ng article ang sarili mo. Pramis, 200 years mabubuhay ang column mo dahil sa dami ng makikita mong imperfections. Gusto mo, simulan ko?

Posted by Siquey at 01:59 PM in Mga kwento | 5 ang nag-flush

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon