poso-negro ni siquey...

Entries for February, 2008

February 18th, 2008

Gusto mo bang tumula?

Paanyaya Para sa Taunang Palihan ng LIRA


Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto.

Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@ gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2008.

Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.

Applications for the next LIRA Poetry Clinic is now being accepted. Applicants are invited to pass five (5) poems in Filipino along with a short bio-date and one 1x1 ID picture to LIRA Poetry Clinic to liraworkshop@ gmail.com or you can send or drop your applications to Prof. Vim Nadera, UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City. All applications should be in on or before April 30, 2008.
The whole clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9: 00 AM until 5:00 PM.

Posted by Siquey at 02:38 PM in Mga Tula, Mga kwento | gumamit ng banyo

February 19th, 2008

Makata si Isiah Thomas!!!

Typo lang yun. . Makati  si Isiah, hindi makata. Pero sa likod ng kanilang walang kwentang season (at coach), may maganda rin namang pwedeng gawin ang  New York Knicks.
NY Knicks Poetry
Sana kabilang sa "other celebrities" si Marbury, tapos paakyatin siya sa stage, iabot sa kanya yung mic, at hayaan siyang magsalita. Kahit tungkol sa anong bagay. Entertaining yun. Pramis. Parang ganito at ganito.

Posted by Siquey at 06:22 PM in Mga kwento | gumamit ng banyo

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon