poso-negro ni siquey...

Entries for May, 2008

May 6th, 2008

Dahil wala akong maikuwento, tumula muna tayo.

 ulan...

Sa Unang Ulan ng Mayo

  

Ito ang pangungumpisal ng lungsod. Gabay

ang baha sa mga kasalanan ng tag-araw

tungo sa mga esterong barado, habang sinisipon

ang pantalong nakasampay sa balikat

  

ng bukas na bintana. Sa isang garahe, umaapaw 

sa tubig-ulan ang swimming pool, hinihika na

mula nang ito'y muling inilabas at pinalobo. 

Ang nagtatampisaw ngayon ay mga tuyo

  

at malulutong na dahong nagpapadulas

mula sa alulod, at sa likod-bahay,

ang bata, hinahawi, ibinubuhol ang kurtina

ng ambon sa kaniyang harapan. Di tulad ng tag-init,

  

nasasalubong natin ang ganap nitong pagdating:

patak. ambon. ulan. patak. ambon. ulan.

Masdan: may maglalapag ng baso at hindi

pagtatakhan kung bakit lilima na lang

  

ang sahog ng di-na-maubos na halu-halo. Sa pagtila,

bumubulong ng sshhhhh ang lansangan at mananahimik

tayo, gayong tulad ng lungsod, nais din nating maghugas-

kamay, lumuha, magsumbong.

  

Posted by Siquey at 12:58 PM in Mga Tula | 1 ang nag-flush

May 10th, 2008

Dahil makulit kayo, sasagutin ko na...

...kung saan nga ba galing yung "Siquey".

Ganito kasi yan. Makinig ka.
 
Nung hayskul ako, CK ang tawag sa akin ng isang tropa ko.
Charles Kulot. Syempre, kapag mainit, pwede ring Charles Kalbo.
Tapos nung nasa college ako at nag-iisip ako ng email address ko, ubos na ang ck_(ewan)@ewan.com.
So hindi na pwede. Kaya sabi ko, since uso naman ang pahabaan ng pangalan, at nagsusulputan na ng mga letrang "h" at "e" sa mga palayaw ng bawat nilalang gaya nila Jun (Jhunne), Mary (Mhary), Kay (Khaye), Lyn (Lhyn), papahabain ko na rin ang CK. Pero wala dapat "H". Ceekey. C-Kay. Sikey. Hanggang sa naburyong na ako at dinagdagan ko na ng Q at naging SIQUEY. Walang kaek-ekan na historical significance o anuman. Walang koneksyon sa pangalan ng hayop kaya walang "tiger" o "lion" o "walrus". Wala ring "sweet" o "flaming" o "hot" o anumang deskripsiyon o emosyon na pwedeng maging kaakibat. Tangna, di ko kailangan yun, pakshet. Basta S-I-Q-U-E-Y. Yun na yun, balbon.  
Ngayon, kapag hanapin mo sa google ang Siquey, may isa pang lalabas. Heto siya.
 
Si Quey
Sabi sa siteSi Quey (pronounced SEE OUEE) was executed (by hanging) for the crimes of multiple murders and even more multiple rapes. He was then mummified...to serve as a perpetual reminder to all potential miscreants. Today, this 'greeter' stands (in a glass box) at the top of the stairs, exhorting all to gaze at the contents of his museum.
 
Rapist amputa...
 
Tanginang yan.

Harharhar!!!

Posted by Siquey at 06:53 PM in Mga kwento | gumamit ng banyo

May 11th, 2008

Araw ni Nanay, Tula, at Bola

1. Isa munang lumang tula sa Araw ni Nanay. Miss you po.

 

Nanay

Ayaw Kong Tiklupin ang Kumot mo, Inay
 
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay;
Pababayaan kong ito ay mabulok
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.
 
Kahit pa alam kong wala na ang kamay
Na dating makulit, malikot, maharot,
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay.
 
Ayaw kong pumusyaw ang kulay dalandan
Na burda't laylayan, punit man at sabog,
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.
 
Kahit pa batid kong wala na ang lamang
Yumayapos tuwing umaga’y mahamog,
Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay.
 
Ayaw kong mawala ang panghi, ang sangsang;
`Di ko papagpagin, libag man o buhok,
Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.

Ayaw kong damayan ang lungkot ng buwan,

Kahit pa bumulong ang lamig ng puntod.

Ayaw kong tiklupin ang kumot mo, Inay,

Kahit pa kandila'y lusaw na sa altar.

  

2. Bago bola, heto muna. Isang tula ni Sir Rio mula sa libro niyang "Kung Bakit Kailangan ang Himala". Ito ang gumising sa akin kaninang umaga. 
http://www.hiraya.com/exhibits/snsdendaya/view.asp?seq=1
   
  
Sa Dulo ng Araw
 
Mababaw lamang ang hukay.
 
Sa wakas,
Itatanim mo ang sampares at pudpod na suwelas.
 
Huwag kang uupo sa silya.
 
Susupling
Ang alaalang
May apat na talulot ng buntonghininga.
 
3. Bola naman. Nakatanggap ako ng email mula kay Sam Rubenstein. Sa mga hindi nakakakilala, isa siyang columnist ng Slam Magazine. Punta kayo sa www.slamonline .com. May pinatulan kasi akong munting pakontes dun, tapos nanalo ata ako. Heto yung sulat niya:
 
Hi there,
 
If you are receving this email it is because SLAM Magazine may owe you a prize. In the past I may have sent you an email which had something about a contest you won in the headline, and that can sometimes get blocked by sp a m filters. Anyways, you are a winner! Please email me back with your adress where we can send you your prize.
 
Thanks!
 
-Sam
 
Yan. Pasok. Hindi ko lang alam kung makakarating sakin kung anuman yung premyo. Baka toblerone. o kaya ay Spam. hehe. Sana sapatos. o kahit jersey ni Nash na may pirma niya. Tangna, kahit towel pa yan na may pawis ni Kobe, pwede na. Sana rin sa susunod na may email sila, si Lang Whitaker ang mag-email sakin. Astig magsulat yan. Tangna, hihingi talaga ako, kahit swelas ng sapatos ni LeBron. Close ata sila.
Isa pa pala. Kung mahilig ka sa basketball at pagsusulat, basahin mo ito. Interview yan ni Myles Brown kay Britt Robson, isa ring sportswriter. Dami nating mapupulot diyan.
 
Yun lang muna. May kano na sa linya. 
 

Posted by Siquey at 02:30 PM in Mga Tula, Mga Bola, Mga kwento | gumamit ng banyo

May 16th, 2008

The Bethlehem Nursing Home

Untitled
 
The Bethlehem Nursing Home
by Rodney Torreson

A birdbath ministers
to the lawn chairs,
all toppled: a recliner
on its face, metal arms
trying to push it up;
an overturned rocker,
curvature of the spine.
Armchairs on their sides,
webbing unraveled.
One faces the flowers.
A director's chair
folded, as if prepared
to be taken up.

Posted by Siquey at 08:07 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

May 17th, 2008

Pakontes: Tangina, bilangin ang mura.

Untitled
 
Putangina.Putangina. Anlupit mo, Kobe. Isa kang monster na nakapurple and gold. Nanood ka rin ba ng Game 6 kanina? Lakers-Jazz? Tangina. Wala akong masabi. Tangina. Anlupit mo, balbon. Sa lahat ng bumabasa nito (kung meron man. tangna, kahit wala.wala akong pakialam. basta.), ipinapaalam ko sa inyo na magaling si Kobe. Tangina, anlupit talaga niya, ser/maam. Hindi yung galing na parang AI, o LeBron, o Tmac, o Jimsyap (kung PBA ang trip mo). Basta ang huling taong napanood ko na ganun ang kabalahuraan sa court ay si MJ. Basket dito, Basket doon, Hustle dito, Pasa doon, Salaksak, Rebound, Fastbreak, Islamdangk. Tangina. Halimaw. Kung tulad kong Kobe-hater ka nitong mga huling taon, magsimula ka nang mag-isip-isip. Iba na siya tol. Iba na tol. Alam kong alam mong iba na siya. Aminin mo. Huwag mong ibase dun sa mga seasons na may tapakoko talaga siya. Kupal talaga siya noon. Pero iba na ngayon tol. Yun bang alam mong takot lahat ng kalaban niya. Yung parang nararamdaman mo na yung siyam na tao sa court ay mga detalye lang sa isang magandang kuwentong gagawin niya. Yung tipong alam mong mas pipiliin na lang nilang magpapirma sa kanya kesa sa kalabanin siya. Tangina. Nanginginig sila, brad. Ito na yung level ng isang tao na kapag nasa playing court na, hindi na depensa ng kabilang koponan ang kinakalaban niya kundi yung saliri niyang kapasidad. Maraming nagsasabi na ganun-naman-talaga-sarili-mo-lang-ang-kalaban-mo bulsyet, kaso yung kay Kobe, alam niya na walang makakadepensa sa kanya, at ang masama, alam mismo ng mga kalaban na hindi nila siya kaya. Ang natitira na lang na katunggali ni Kobe ay yung mismong ring at yung bola, at yung bumubulong sa tenga niya na, "tangina mo, kakaltukan kita kapag sumayad sa bakal yang tira mo". Ganun ang sinasabi ko. Manood ka ng laro nila. Kahit yung replay lang sa gabi kung hindi ka makagising ng maaga dahil sa hangover. Huwag mong tignan yung boxscore. Impressive palagi ang statsheet niya, kaso iba talaga yung nakikita mo kung paano siya gumagawa ng sining sa court. Tangna, oo, ginamit ko ang salitang "sining" para kay Kobe. Idol ko si Steve Nash, pero hindi ko ata nagamit ang salitang yun para sa kanya. Kay Kobe pa lang. Basta. Pakshet. Anlupit niya. Tapos kung matatandaan mo, sinimulan niya ang karera nitong season sa isang pagdadrama na gusto niyang magpa-trade. Tapos, nagkalabasan ng baho sa LA management. Tapos, hindi natuloy. Tapos, nagtransform si Bynum. Tapos, Nainjure si Bynum. Tapos, Kinuha si Pau. Tapos, umarangkada sila sa West. Tapos, palupitan sila ni Chris Paul. Kumbaga, kung sino ang manalo sa West, siya ang kukuha ng MVP. Tapos, inuwi nila ang West. Tapos, nagMVP nga siya. Tapos, isinilid nila sa bulsa nila na parang tiket ng bus ang Nuggets sa First round. Tapos, wasak na gitara ang kinahantungan ng Jazz. Tapos, petiks sila ngayon kasi hindi pa tapos yung Spurs-Hornets. Tapos, baka kainin nila ng buhay ang sinumang manalo sa Spurs-Hornets. Tapos, baka ngatain nila ng walang-awa ang makaharap nila sa Finals, kahit pa Detroit, o Cleveland, o ang pinakahihintay ng lahat, ang chokers na Celtics. Tapos baka si Kobe ang mag-Finals MVP. Tangina. may nakaisip ba nun sa simula ng season? Wala tol. Tangina. Wala. Si Flea lang ata ang nakaisip nun kasi die-hard LA fan talaga yun. Si Jack Nicholson, mukhang may doubts pa yun e, kahit nasa courtside palagi. Basta ang punto ko, walang nakaisip na parang magiging iskripted ang season nila. Wala tol. Naisip mo ba yun? Hindi, balbon. Hindi. At walang nakaisip na mararating ni Kobe yung antas ng laro niya ngayon. Wala, balbon. Hayun. Basta napasulat lang ako dahil kay Kobe. Tangna, anlupit mo, Balbon. Isa kang nakapurple and gold na aparisyon. Tangina mo ulit. Salamat.  

Posted by Siquey at 04:31 PM in Mga Bola | 1 ang nag-flush

May 18th, 2008

Sumulat, Umawit: Isang Panayam sa Pagsulat ng Awit

sulat 

Tayo'y mga Pinoy.

Tayo'y hindi Kano.

Huwag kang mahihiya

Kung ang ilong mo ay pango!

-Tayo'y Mga Pinoy ni Heber Bartolome

Para sa buwan ng Mayo, inihahandog ng LIRA ang “Sumulat, Umawit,” isang panayam sa pagsulat ng awiting Filipino.

 

Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang panauhing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa kanyang studio-gallery sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City.

 

Ang mga awit ni Heber Bartolome ay ginagamit at pinag-aaralan sa mga doctoral thesis ng mga iskolar sa iba’t ibang pamantasan.

 

Lumaki si Heber sa iba't ibang bahagi ng Katagalugan kung saan man madestino ang kanyang ama. Ang unang dalawang taon niya sa high school ay ginugol sa Philippine Wesleyan University sa Cabanatuan.

 

Natigil siya nang dalawang taon ngunit sa halip na umistambay, nagtinda siya ng kendi, sigarilyo, gulaman, diyaryo, komiks, at iba pa upang suportahan ang magulang sa pagpapaaral ng nakatatandang kapatid. Tinapos niya ang high school sa Novaliches.

 

Sa sariling pagsisikap, nakatapos siya ng Bachelor of Fine Arts at M.A. Philippine Literature sa U.P. at naging guro ng panitikan sa De La Salle University (1981-1984).

 

Patuloy si Heber sa adhikang mapaunlad ang kulturang maka-Filipino lalo na sa paglikha ng mga awit. Ayon sa kanya, "ang awit ang pinakamabisang tulay tungo sa kaisipan at puso ng tao lalo na ng kabataan. Ito ang tulay na dapat pagtawiran ng mga proyektong pangkabataan tungo sa kaunlaran ng isang lipunan.”

 

Ang “Sumulat, Umawit” ay bahagi ng buwanang serye ng mga panayam ng LIRA sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng ating panulaan at panitikan. Ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ay isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino.

 

Libre at bukas ang panayam sa publiko. Kung nais dumalo, makipag-ugnayan kay En Villasis sa 0922-4596365.

Posted by Siquey at 01:48 PM in Mga kwento | gumamit ng banyo

May 23rd, 2008

Idol ka, Kabayan!

Idol, Kabayan!
 
  
"We’re Brothers Forever"
by Renaldo Lapuz
 
I am your brother,
Your best friend forever.
Singing the songs,
The music that you love.
Brothers til the end of time;
Together or not,
You’re always in my heart.
You hurt your feelings,
And you will rain on mine.
I love you brother!

Posted by Siquey at 12:35 PM in Mga kwento | 1 ang nag-flush

May 26th, 2008

Tangina, sinabi mo pa.

mahal talaga
 
Otso na pala ang pamasahe sa dyip. Putcha, may nakita na akong nagmurahang barker at pasahero dahil dito. Muntik pa akong madamay. Kahit pa sabihin nating kolorum yung sasakyan o pinagtagpi-tagping bakal lang ang bus, gasolina pa rin ang nagpapatakbo diyan. Kaya hindi mo rin sila masisi. Magkano na ba ang Emperador? Otsenta? Aba, e mas maraming mamatay ngayon na lasenggo. Wala na silang maipambibili ng pulutan. Piso ang kendi. Piso-singkwenta ang Boy Bawang. Dos ang isang stick na yosi. Nagpapabayad pa sa pagsindi ang ilang tindahan. Trenta na ang ulam na tila ipinagdadamot pa ng mga kantina dahil sa napakakonting serving. Kung ako lang ang tatanungin, kundi naman talaga pihikan ang sikmura mo, patulan mo na rin ang mga ibinebentang manok na prinito, o yung porkchop, o yung tig-sampumpisong embotido o yung pares na ibinibenta sa mga kanto. Hindi talaga natin masisigurado kung saan nga galing ang mga yun kaso aalamin mo pa ba kung may intensity 8 na lindol na sa sikmura mo? Pakshet. What you don't know won't hurt you. What does not kill you makes you stronger. If it does, then, mali ako. Sorry. Or siguro, mayaman ka dati, tapos humirap ka at hindi mo nakayanan ang adjustment mulang pagiging bahagi ng bling-bling society to a dildil-asin society. Pero nabusog ka naman di ba? Nakakabadtrip lang kasi parang walang magawa ang mga taong kadalasan ay may nagagawa o yung ibang dapat ay may ginagawa. Ni hindi ko alam kung bakit ibina-blog ko ito. Ayoko ko rin namang magmungkahi ng kung anong solusyon at magpakamoralista kasi naniniwala akong sa tao nagsisimula yan. Choice mo yan, Balbon. Basta masaya ka, yun ang mahalaga. Kung wala namang nagugutom at nasasaktan dahil sayo, kaya pa yan. Ituloy mo ang kasiyahan. Pero kapag may umaasa na sa iyong pakainin sila o may ninanakawan ka at ikinagugutom nila ang ginagawa mo, tangna mo, huwag mong basahin ito. Gumawa ka ng paraan, na hindi lang para hindi magutom ang mga mahal mo sa buhay, pero yung hindi rin naman ikagugutom ng iba.
Tangna, moralista pa rin yung labas ng huling linya.
Basta. Nabuburat lang talaga siguro ako. Sobrang mahal na talaga.  

Posted by Siquey at 07:09 PM in Mga kwento | 5 ang nag-flush

May 31st, 2008

Fearless Forecast for the NBA Finals

Tangna, 80's is in the air, Balbon. Sobrang astig ang Finals na ito. Pero mukhang nakatadhana talagang mangyari. Heto na yung inaabangan ng lahat, lalo na ni David Stern. Gaya ng sabi ko dati, Sternbot always wins. Madami na namang bebot nito si Uncle David. Hindi ko kayo masisisi kung sabihin ninyong iskripted ang pakshet na season na ito. Pwede mong gawing pelikula. At sa mga susunod na mga taon, itong season na ito ang palaging ipapalabas sa NBA TV sa mga more memorable seasons nila. Mula sa kaartehan ni Kobe, hanggang sa pagkabuo ng Beantown Three, hanggang sa biglaang doubt ng tao sa credibility ng liga dahil kay Donaghy, parang planado ang lahat. Pasensya na sa mga Spurs at Pistons fans. With all due respect, pang-odd-numbered years lang ata talaga ang San Antonio at pang-conference finals lang talaga ang Detroit. Pero ganyan talaga. Sabi nga nila, There can only be one. Heto na talaga yung ONE. Isa lang, Balbon. LA o Boston. Boston o LA. KB or KG.
 
KG o KB
 
At alam mo naman siguro kung kaninong team ako. LA, pare.
 
Pero ganito yan. May isa lang talaga akong pinoproblema. Nasa magkabilang panig ng planeta ang opensa ng LA kung ikukumpara sa opensa ng Boston. Halos walang pagkakaiba ang opensa ng Celtics sa opensa (at halos pati depensa) ng Pistons. Half-court set. Mabagal. Teknikal. Pero, efficient. Hindi maitatangging nagkakaroon ng isyu ang depensa ng LA sa mga ganitong klaseng ikot ng opensa. Oo, na-dethrone nila ang Spurs sa West, na ganito rin ang klase ng makina, pero sa apat nilang panalo, isa lang dun ang talagang tambakan (more than 10 points ang difference). Nahihirapan pa kasi ang mga sentro ng LA na dumepensa sa poste, lalo na kung yung mga efficient bigmen na ang binabantayan nila. Nakalusot sila sa mga bankshots at jabsteps ni Duncan (dahil minalas ang mga tira na Manu mula kay Duncan), pero hindi ko alam kung ano ang gagawin nila kay KG na di-hamak na mas mabilis, mas athletic at mas may outside shot, kung ikukumpara kay TD. Kapag dumoble sila kay KG, si Perkins lang ang pwede niyang pagpasahan na may malaking chance na sumablay (sa 1st five nila). Pero walang choice ang LA. Kailangan nilang sumugal dito. Kakainin ng buhay ni KG ang LA pag single coverage ang gawin nila sa kanya. Maliban dito, puro nasa LA na ang kalamangan. At huwag mong ipagpilitan na nanalo ang Boston sa dalawang regular season games nila. Wala pa si Gasol nun, Balbon. Manahimik ka. Heto ang forecast ko.
 
Simulan natin sa Matchups.
 
Point Guard: D.Fisher VS R.Rondo - Mas mabilis si Rajon, oo, pero kakatawanin lang siya dito ni Fisher. Mas mataas ang shooting percentage ni Fish sa labas, at mas maaasahan ang depensa niya. Pustahan tayo tol, puro fastbreak ang panggagalingan ng puntos ni Rondo dito. Kung makapuntos pa siya niyan. Pabor, LA.
 
Shooting Guard: K. Bryant VS R. Allen - Kobe na ito, sa mga kadahilanang alam mo na rin dapat. Kahit sabihin mong "may shooting si Allen", hindi pa rin yan uubra sa depensa ni Bryant. Isa pa, medyo inconsistent si Allen sa mga simula ng series. Isa pa, walang depensa si Allen. Isa pa, hindi naman talaga sila ang magbabantayan e. Isa pa yan sa mga problema ng Boston. Ipaliwanag ko sayo mamaya kung ano yung sinasabi ko. Pabor, LA. 
 
Shooting Forward: L. Odom VS P. Pierce - Mas matangkad si Odom. Mas mabilis si Pierce. Kanino ang mas papaboran mo ngayon? Kapag pumoste si Odom, lamon si Pierce. Kapag nagdribble si Pierce, iwan si Odom. Tabla ako dito sa mismong matchup. Pero tulad nung sa shooting guard na posisyon, walang silbi ito kasi hindi ko sila makitang magbantayan. Mamaya natin ito pagusapan. Tabla tayo dito, chief.  
 
Power Forward: V. Radmanovic VS K. Garnett - Ito yung isang matchup na obvious. Lalamunin ni KG ng buhay si Radman dito, at dito talaga iikot ang malaking bahagi ng opensa ng Boston. Buti na lang may tira sa labas si Radman kasi maliban sa mga 2nd chance points, sa tres lang siya makakalayo at makakatira kay KG. Pabor, Boston. 
 
Center: P. Gasol VS K. Perkins - Mabagal si Perkins, pare. Tanggapin mo yun. May tira na siya sa labas, pero masyadong malikot si Gasol sa parehong dulo ng laro. Pwedeng mangatawan si Perkins, pero kapag dinobol na siya, nahihirapan naman siyang magpasa sa weak side. Instant turnover yun sa Boston. Tatapik-tapikan lang siya dito ni Pau, pramis. Pakiramdam ko nga, matutuliro ang center rotation ng Boston kay Pau. Baka papalit-palit ang maging sentro nila sa iba't-ibang laro. Pabor, LA. 
 
Coach: D. Rivers VS P. Jackson - Tangna. Kahit sabihin ko lahat ng magagandang kayang gawin ni Rivers dito, isa lang ang sagot dito. Next topic. Pabor, LA. 
 
Bench - Isa pa itong problema ng Boston. Sobrang lakas ng loob ng bench ng LA ngayon. Dahil kay Jackson yan. Tangina, saan ka naman makakakita ng team na tambak ka na ng 20, puro bench pa rin ang ipapasok mo at ipapagisa mo ang first unit ng kabilang team? Phil Jackson lang ang gumagawa niyan tol. At tulad din ng naging problema ng Spurs ang magiging problema ng Boston: matatanda na ang bench ninyo. At kung gaano kagurang ang bench ng Boston, ganun naman kabata ang reserves ng LA. Takbuhan ang mangyayari nito. Pabor, LA.  
 
Puntahan natin ngayon yung mga mangyayari mismo sa laro. Bola muna ng LA. Depensa ang Boston. Tanggapin natin na andiyan si Kobe at malamang, sasaniban yan. Puputok at puputok yan. Sino ang magbabantay sa kanya? Imposibleng si Allen. Masyado siyang maliit para kay Kobe. Ang kukuha ngayon kay Kobe, si Paul Pierce. Dito na magkakasanga-sanga ng problema. Above average defender si Pierce, oo, pero maisusugal niya kaya ang posibleng pagkaubos ng foul niya sa mga penetration at post-ups ni Kobe? Hindi tulad ng San Antonio kung saan 3rd or 4th option nila sa opensa ang dumedepensa kay Kobe (Bowen), mauubusan ng offensive firepower si Pierce at ang Boston kapag kay Kobe siya nakatao (May mga magsasabi na, "e effective naman si Pierce kay Lebron". Balbon, dalawang punto. Una, di tulad ni Kobe, walang poste si Lebron. Pangalawa, nakakatira si Lebron ng maayos, hindi lang talaga pumapasok, kaya hindi mo pwedeng ibigay lahat ng credit ka PP dun.). Dahil sa iba na ngayon ang bantayan sa SG position, isa pa nilang problema ay yung sa magiging trabaho ni Allen. Tol, si Odom ang babantayan niya.Kapag pinostehan siya ni Odom on either wings, siguradong may kukuha ng double team at sa isang madaling sitwasyo para sa Boston, isa kina Kobe at Fisher ang malilibre; parehong tirador sa tres. Mahihirapang tumira mula sa mga Power Forward at Center positions ang LA, particularly sa painted area, pero dahil mas matangkad si Gasol at Odom sa mga kabantayan nila, at mas magaling silang magdistribute sa loob at sa weak side, palaging nasa labas si Radman dito, na nakakatira ng tres, at syempre, mas makakakuha ng offensive rebound ang LA dahil sumunod na rin sa labas si KG.  
 
Bola naman ng Boston. Depensa LA. Tandaan ang height differences ng mga magkakabantayan. Huwag mo nang idagdag ang athleticism ng bawat isa. Kahit tangkad lang. Ano ang lalabas? Si KG lang ang may madaling pwesto para makakuha ng bola na walang hirap. Ayokong ipako ang opinyon ko sa magiging performance ni Pierce dito dahil nakita na natin ang kaya niyang gawin sa postseason at medyo maganda naman ang ginawa niya against Kobe sa dalawang laro nila nung regular season. Kaya babalikan ko ang mangyayaring mix up sa posisyon; Odom-Allen. Tol, si Odom ang babantay sa kanya. Magaling kumuha ng screen si Ray Allen, pero alam mo ba kung ano ang height difference nila ni Odom? 5 inches pare. Tangkad pa lang yun, wala pa yung wingspan dun. Makatira man si Allen dito, sigurado akong maiilang siya sa mamang hahabol sa kanya. At babalik ulit tayo sa inconsistency niya nitong postseason. Sa ilalim, andiyan si KG. Sa kanila yang posisyon niya, sigurado. Magaling siyang pumasa, ibibigay ko sa kanya yan, pero sino ang mapapasahan niya kung lahat ng posisyon maliban sa sentro nila ay nakacover. Again, si KG lang ang may height advantage sa bawat posisyon, pare. Andiyan pa rin naman si Perkins, at kung maging maangas ang laro niya against LA, mas aastig ang rakrakan sa ilalim. Tangina, mainit ito, balbon.
 
Hayun. Tangina, andami kong naisulat. Kung may opinyon ka, sumagot ka lang. Kahit Spurs ka pa, hehe. Gisahin natin ang opinyon natin. Basta LA ako. Nagkakapustahan na nga dito sa opisina. Pwede rin tayong magkapustahan kung trip mo, Balbon. Dalawang bucket ng SanMig. 
Basta LA ako.

Posted by Siquey at 08:43 PM in Mga Bola | gumamit ng banyo

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon