poso-negro ni siquey...

Entries for June, 2008

June 1st, 2008

Nat'l Artist Rio Alma lectures at UP

Pormal na bubuksan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang kanilang taunang klinika sa pagtula sa isang panayam na pinamagatang "Reklamasyon sa Pambansang Gunita."

Ito ay ibibigay ng tagapayo at tagapagtatag ng
LIRA, ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan, na si Virgilio S. Almario o Rio Alma. Ang panayam ay magsisimula dakong 1:30 ng hapon, Hunyo 7, 2008 sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman.

Ang pagtatala ay magsisimula ng 1:00 ng hapon. Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko.

Simula pa noong 1985, nagbibigay na ang LIRA ng kanilang taunang klinika sa pagtula. Nagiging lunsaran ito hindi lamang sa pagsulat ng mahusay na tula bagkus maging ng pagtatalakay at pagbibigay-puna sa mga tulang Filipino. Ilan sa mga produkto ng LIRA ay sina Michael Coroza, Jerry Gracio, Roberto at Rebecca Anonuevo, Vim Nadera, Romulo Baquiran, Jr. at Edgar Samar.

Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay En Villasis sa numerong 09224596365 o bisitahin ang kanilang website, http://liraonline.org.

Posted by Siquey at 08:13 PM in Mga Tula, Mga kwento | gumamit ng banyo

June 14th, 2008

Disgusted. Amazed. Shit.

 

saltiks

 

I like those cake decorating nozzles. You know the kind that you put on the end of a tube of icing to make fancy icing things. Sometimes i wish i had an asshole with a built in cake decorating nozzle. I could take incredibly decorative shits. I wouldn't flush them. people would walk into the stall and see the shit and be disgusted but amazed  at the same time. They would say "man you should check out the stall in the bathroom there's this really amazing looking shit". It looks like a brown swan.

--- From Drinkingfor two.net

 

Posted by Siquey at 04:37 PM in Mga Bola | gumamit ng banyo

June 27th, 2008

Sa Pagbalik

http://www.trinitycross.net/red/g02a/22.html 

Sa Pagbalik
ni Charles Bonoan Tuvilla

Tulad din ng una niyang umaga, muli kang nagpaiwan sa lamig ng kama.
Alam mong nanonood na siya ng mga balitang banyaga: mga dambuhalang
buhawi sa Estados Unidos o ang pagguho ng mga bundok-yelo sa mga bansang

minsan lang kung sikatan ng araw o sa batang makailang beses nang kinalabit ng kidlat.
"Kalokohan" sabi mo, sabay patong sa kahon ang kanyang pasaporte. "Baka malimutan mo".
"Huli na. Huli na," aniya ulit. Malalalim din ang buntonghininga ng dagat nang winika niyang

"Abala palagi ang mga pampang sa Japan." Ni hindi mo alam na may niyebe doon.
Naging mabagal ang paglusong ng mga nais mong tugon. Sa halip, napansin mo ang bagong-
tina niyang buhok; kakulay ang bunton ng mga pulang lambat na pinarupok ng tubig-alat at araw,

pansamantalang iniwan ng mga mangigisda sa pisngi ng dalampasigan. "Maalon lang talaga ngayon.
Makulimlim." ang tangi mong sambit. Marami ka pang gustong ikuwento, ngunit mas hinihintay mong
siya ang magtanong. Lumapit siya. Iniangat niya ang iyong braso at tumingin sa iyong relo;

"Padadalhan na lang kita ng bago sa pasko. Tara, baka maiwan ako." At nang di mo na dinig ang ungol
ng sinakyan niyang bus, umuwi ka. Binuksan mo ang telebisyon. Sa ulat-panahon ni Kuya Kim, lulubog
ang araw mamayang alas-sais katorse. May dumungaw na ilaw mula sa kasisinding poste.

Naniwala ka.

Posted by Siquey at 02:48 PM in Mga Tula | 5 ang nag-flush

site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon