poso-negro ni siquey...

July 17th, 2008

Kakupalan at nang naging clown si Batman

1. Maraming nangyayari, pero munting update lang. Bawal magtanong. Lalanggamin ang gilagid mo.

2. Narito na rin lang ako at nagdadaldal, simulan ko na ang nakabuburat na nangyayari dito sa opisina. Nagsimula ito nang pinalaki ng Expedia ang Elite team, pero hindi dito sa Maynila. Ang ginawa nila, nagpatrain daw sila ng ilang tenured agents sa Cebu, binigyan ng mas magagandang tools, at pinaupo sila sa mas matataas na silya. Bakit doon? Malay. Basta ang sabi dati, mas marami raw kasing VetReps mula Cebu kesa dito, at na-impress daw ang mga kliyente nung bumisita sila doon. Pwede. E alangan naman kasing may matirang VetReps dito sa PSC, e halos mas malaki pa ang naiuuwi ng Reliance kesa sa mga Beteranong tulad ko. Pero mas naniniwala ako sa dahilan na sobrang dami na kasing Line of Business dito sa PSC kung ikukumpara sa kabilang kubo. May dalawang Elite Agents na talaga sa Cebu na nakakaalam ang patakaran ng grupo, at pagkalipas ng ilang buwan, natutuhan rin naming sumayaw nang sabay sa iisang kumpas. Nang hinaluan sila ng mga bagong ahente, nailang din sila, kahit pa pumapasok sila sa iisang pinto tuwing umaga. Nagsimulang isabak ang mga bagong Elite Agents noong isang lingo, at hindi pa umiinit ang tubig sa kalan, nagsisimula na ang kakupalan. Hindi na bago ang kompetisyon/kupalan/basagan/pakyuhan sa pagitan ng MNL at CEB centers. May ilang pagkakataong sumawsaw ako sa huntahang ito pero alam ko naman palagi ang posisyon ko. Kung mali ako, alam kong mali ako, at pinapangatawanan kong mali ako. Kung mali ka, sasabihin kong mali ka, kahit nasa kabilang bakod ka lang o sa ikalabingwalong isla ng bansa. Responsibilidad mong pangatawanan ang kakupalang ginawa mo. Walang personalan, professional kupalan lang, kumbaga. At sa pagkakataong ito, may nangupal na taga-cebu at siya pa rin ang bira ng bira sa mga tagaMNL. Panalo ang kakupalan tol, pramis.

Una, nagpadala siya ng email sa kasama naming Elite agent dito sa Maynila at inaakusahang “nagrerefresh” o ang pag-iwas na pasukan ng tawag. Dahil baka mabahiran pa ng putanginangputangina kapag hinimay ko sa inyo, kayo na lang ang magbasa. Pansinin ang nagkalat na kakupalan.

Cebu: hi.. busy ka?

Manila: y?

Cebu: la lang...palagi ka kasi naka refresh eh.. ....dami kau q(ueue)??

Manila: wat do you mean nakarefresh?

Cebu: im watching cms... ur supposed to be next of pascual with avail time of 40mins already..but then nag refresh po kayo... so,i guess busy ka to take calls???  Hehehehe… are u m or f ?

Manila: Mam, Elite Plus agent po kau diba? you're not supposed to watch cms kase naka avail kau and nasa station mo dapat, that's why they assign CMS watchers! and for your information po hindi ako nagrefresh at hindi ako nagrerefresh. ganito po gawin mo, ipacheck ko po history ng CMS so you would know na nagpersonal po ako for a couple of mins. And in my tenure as universal/elite agent hindi po pareho ang ibig sabihin ng personal aux sa refreshing. u dont have the right to email fellow agents accusing them of refreshing. i'll keep this email and will forward it to management for reference. Thanks!

Cebu: im just asking..y r u so defensive?? i didnt mean anything bad.. are u some kindda guilty?.. well, to let u know as well, we have an access to see cms..and its just beside me.. sorry ha, if i offended u..going on personal or other auxes will still refresh u from the avail mode, right??? so anong dapat ikagalit dun?? refresh pa rin tawag dun diba..im not accusing anyone... anyways, log-out na kami..but sure, we'll be glad to see the history of your auxes.. keep us posted ha.. goodnight.. godbless..

Astig diba? Heto ang espasyo para sa gusto niyong mura: ____________________.

Tinawanan ko pa ang tropa ko nang mabalitaan ko ito.  Di ko alam kung may nangyari sa reklamo ng MNL, naiforward kasi ito sa Manager namin.

Akala ko ito lang ang ginawa nung Kupal, pero hindi pala. Nang balikan ko ang mga huling trinabaho ko pagkagaling sa off, pati pala ako kinupal ni Kupal. Inakusahan niya akong mali ang trinabaho ko, at ang masama, inilagay niya ang pangalan ko sa isang tool na hindi naman dapat sinusulatan ng pangalan. Name dropping, pare. Yung mga fans ko mula sa Cebu, gamitin nyo tools niyo at check ninyo ito: 44035000. Gawa niya yan. At heto yung dapat na binuksan niya para hindi siya matawag na incompetent: 43983723. Hindi na nga nagbabasa ng documents, anlakas pa ng loob na mangupal, e bawal nga yun sa office tools. Kung gusto mo, dito sa blog, pwede.

At hindi pa natapos dito. Tumawag pa ang mismong ahente sa Tier II at nagpatulong kasi, natatakot daw siyang gamitin ang tools nila. Kumbaga, bilang karpintero, binigyan ka ng martilyo para pamukpok, pero ang ginawa mo, naghanap ka ng ibang karpintero para siya ang gumawa ng trabaho mo kasi natatakot kang mapupok mo ang daliri mo. Naghahabulang walangya. Rakstar ka naman pala e. E maliban sa ibinabayad sa iyo ng PS para gawin ang trabaho mo, binabayaran rin ng kumpanya ang bawat klik mo sa astig na tools niyo. Kung takot kang gamitin ang tools niyo, bumalik ka sa floor bilang regular agent para maibigay ang log-in mo sa ibang tao, at ma-utilize ang manpower ng kumpanya.

Palampasin ko n asana, pero Pakshet, tatlong kakupalan ang umiral sa iisang araw. Ang masama, parang sila pa ngayon ang may angas. Hindi ko naman sila masisi. Basta wala akong pakialam sa kung anong kakupalan ang gawin nila sa sarili nilang bakod; siguraduhin lang nilang hindi nadadamay ang nasa kabila dahil sa ginagawa nila, sadya man o hindi.

Simple lang ang sakin: Kung Elite agent ka, act like one, Balbon.

3. Napanood ko na ang The Dark Knight. Panalo, tol. 9 out of 10, para sa akin. Hindi ako magaling magreview at maghimay ng kung anong aspekto o elemento ng pelikula tulad ng ilan kong tropa, kaya wala kang mababasang intelektwal na pagkatay sa pelikula mula sakin (maliban siguro kung may bayad).

Kaya isa lang ang masasabi ko: JOKER dapat ang title ng pelikula. Hindi naman kasi kay Batman umikot ang kwento. Ewan ko. May epekto rin siguro ang kamatayan ng gumanap na Joker na si Heath Ledger sa ganitong pananaw ko, pero halos siya lang talaga ang nagdala ng buong kwento. Astig yung performance niya, kaya parang nalunod ang ibang artista, kabilang si Batman, at nagmukha na lahat silang clown sa likod ni Joker. Hayun.

Kung may kasunod pa ang pelikula, sigurado akong nabuburyong na ang Warner Bros sa paghahanap ng kapalit niya.

Heto pala yung paborito kong hitsura niya sa pelikula.

nurse na joker!

 BOOOOM!!! Tanginang Nurse Yan!!!

 

Posted by Siquey at 07:02 PM in Mga kwento | 13 ang nag-flush

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



mark5 (guest)

Comment posted on July 30th, 2008 at 06:52 PM
nakita ko na yang agent na si kupal...

ang cute nyan, masarap ipakilala sa swelas ng tsinelas...
laging naka leather jacket, o diba action star and dating, kaya nga mabuting nandian ka eh baka kse pag binuksan nya yung jacket nya eh nakahilera mga daggers dun at papalipad sau... pero dinga, ang taas ng ere ng agent na yan na hindi naman marunong umingles....hahahahaah!!!!!!!
Comment posted on July 31st, 2008 at 10:54 AM
pinadalhan nga ako ng picture niyan. pinakuha ko sa tropa kong sup diyan, hehe. ayoko nang magsalita. tangina, basta, manahimik na lang sana siya.

mark6 (guest)

Comment posted on July 30th, 2008 at 10:51 PM
hahahaha! trinity? ikaw ba yan?hahaha!
nagkaron ako ng close encounter dati sa kupal na yan. at pag nakinig ka sa mga verbiages, hindi mo nga maintindihan...

itago mo na lang ako sa pangalang mark6?
hehehehe.
Comment posted on July 31st, 2008 at 10:55 AM
uy, dami nating Fans sa Cebu!!! hehehe...
Mark6, pakisabihan na lang itong si kupal. Badtrip talaga, tol. Mahaba ang pisi ko sa kabobohan, pero napapatid agad sa kakupalan.

xansu (guest)

Comment posted on July 29th, 2008 at 01:13 PM
i agree and i love the post!
im with you..

**EP agt-cebu**
Comment posted on July 31st, 2008 at 10:56 AM
haha!!! Buti na lang, nasa Manila kami. Baka sinakal na nila Mommy Claire yan pag Cebu-based din kami, hehe. Pati CSA, badtrip na diyan tol, Pramis.

siquey (guest)

Comment posted on July 29th, 2008 at 01:44 PM
taga-cebu ka? astig. salami.
sana may pangalan, hehe.
sandali, may col. salami ulit.

Anonymous (guest)

Comment posted on July 20th, 2008 at 07:41 AM
ang kapal ng muka nyan tsong!!!!!

sabihin mu sa kanya wag nya masuboksubukan pumunta dito kung ayaw nya pahalik ko xa kay manong John Lloyd!

kapal ng mukha nyang mukang atis eh puro naman sila palpak, mali mali kung magpayo. wag nga sila jan at ng naku... baka nde ko matantsa yang mga yan eh wala lang... hahahaha
Comment posted on July 19th, 2008 at 05:26 PM
Pde bang sagutin yung blanko para sa mura? p^896%85$$&9!!!!!!


Di lang kayo nakukupalan sa mga KUPAL na yan. T^*^^ nila. haha. Oo. Ako man banas na banas sa mga yan. Ang kakapal kasi ng mukha. Mga di inaayos nang mabuti ang trabaho kaya pag bumalik yung kaso, magsisimula ka uli sa umpisa.

Pangalawa, ang gugulang pa ng mga yan sa ACW. di yata nila alm na 30 seconds na lang yun.

Pangatlo, T^%%*%*(% talaga nila. Alam mo bang ilang beses na nilang in-email yung supervisor ko na bigyan daw ako ng proper coaching dahil mali raw yung ina-advise ko? Yung agent nagpasa kay bisor, si bisor nag email sa bisor ko. Lo and behold! Chineck ko ang case, SILA ANG MGA DAPAT BIGYAN NG COACHING SA ASPETONG COMPREHENSION! Never akong nag document ng shortcut, laging detalyado (pero brief). Nagtitimpi lang talaga ako sa mga yan eh. Nakakailan na sila sa akin.

hehe. Well, ang haba na nitong comment ko. dapat yata new entry. haha
Comment posted on July 18th, 2008 at 08:31 AM
Kupal naman nyan! As in! Bakit ba me mga taong ganyan sa mundo? Dapat sila ung pinapasabog ni Joker e.

siquey (guest)

Comment posted on July 18th, 2008 at 10:14 AM
palampasin ko na sana, kaso umapaw yung kabastusan, tol.
Comment posted on July 17th, 2008 at 07:26 PM
panalo xa sa kakupalan!!
i swear!!
jejeje..
im frm ps MLA too...

siquey (guest)

Comment posted on July 17th, 2008 at 08:56 PM
hehe. maglalaslas si lapulapu kung nalaman niya ito. buhay pa sana si magellan. at esep-esep ka na rin. baka maisipang lumipat ni bong borja. hehe.
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon