poso-negro ni siquey...

July 30th, 2008

Sa Pananampalataya

www.art.net

Sa Pananampalataya
ni Charles Bonoan Tuvilla

Lumabas ka nang kumapal ang pagtitipon. Isa pa,
hindi mo matalikurang nandito ang kasalanan,
nag-aanyong paniki, nakasabit patiwarik

sa inyong uluhan. Sinalubong mo ang mga huling
dumating, silang nagpalusong rin
ng daliri sa bukal ngunit ang nasalok ay

alikabok. Miyerkules de senisa. Naghukay ka
ng masisindihan sa iyong bulsa; hindi mo
mabugaw ang itim sa iyong lalamunan.

Nang nakita mong may namahingang
kulisap sa bukas na palad ng isang rebulto, tila
hinihintay mo itong ikulong, tirisin ng poong-

bato; na ito'y magkuyom-kamao. Tumalikod ka
at sumabay sa mga pupungas-pungas
na mga anino subalit ikaw lang ang yumuyuko,

ikaw na may malinis na noo.

Posted by Siquey at 10:46 AM in Mga Tula | 1 ang nag-flush

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



simran (guest)

Comment posted on August 8th, 2008 at 10:22 AM
perhaps you could translate to english? That's my painting, and I'd like to be able to understand the words you paired it with.
-Simran
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon