Joke. Gusto ko lang ibahin kasi kalahati ng mga magba-blog ngayong araw ay puro ERASER-madarpaking-HEADS ang pag-uusapan. Bilihan ata ng tiket ngayon. Parang 800 to 2000 ata ang price range ng tiket. Para sa kaalaman ng mga taong tulad kong walang pera at mahilig magpahid ng kulangot sa ilalim ng mesa, paubos na ang tiket. Oo. May mga konyotik na naunang pumila. (Tanong: pwede bang tawaging posers yung mga mayayaman na manonood ng eheads concert? Andaya.) Sabi ko noong unang kumalat ang balita sa reunion nila, pupunta ako. Makikipagpatayan. Makikipagtulakan. Makikipagsikuhan. Gugulong. Aakyat sa bakod. Magnanakaw. Hindi maghuhugas ng pwet. Para masaksihan ang rakstar na tugtugan nila Ely, Buddy, Raymond at Marcus. Pero ngayon, hindi na siguro. Tinamad ako bigla. Nawalan lang siguro ako ng gana sa pagbabago-bago ng detalye ng concert. Nalunod na lang ako sa lumulutang na mga haka-haka ng mga tao sa kung magkano ang tiket, sa kung gaano katagal ang concert, sa kung gaano karami ang papapasukin, sa kung kailangan nagyoyosi ka, sa kung matutuloy ba talaga. Nakakapagod. Bahala na. Putangina, anong silbi ng Youtube?!? Pakshet, maniniwala ka bang walang cd o dvd na irerelease ang nagpromote niyan?!? Balbon, paglabas nun, maghihintay pa ako ng pirated sa Guadalupe!

Reunion Concert daw ito. Pero aminin natin: muling tutugtog at magsasama-sama sa iisang entablado ang apat na miyembro ng Eheads, hindi dahil sa gusto ng tao, pero dahil sa kapalit nitong salapi. Wala naman talagang masama ditto. Trabaho lang. Trabaho lang, Balbon. Ang sa tamang akin lang, higit na mas maging mahalaga sana ang pagkakataon na sa isang gabi ay muling maipagdiwang ang buhay, ang nakaraan, ang kabataan, kasama ang Bandang Sinamba at ang walang pagod na umasa, ang mga Sumasambang Fans nila.
Kung isa ka sa mga nakabili ng tiket, kongrats. Ampunin mo ako, kasama ng aking maasim na banig at kama. Nawa’y pumunta ka dun para makitang muli ang minahal nating mababantot at adik na Eraserheads, at hindi para gayahin ang bagong tinang buhok ni Ely, o maamoy ang wallet ni Raymond, o mabasag sa pagpupumilit na kumanta ni Marcus o mahilo sa pagpapalaboy ni Buddy. Huwag kang magiingles o magtataglish, putangina, pagpasok mo sa concert. Huwag mong tatawaging “dude”, o “girl” ang katabi mo, letse. “Pare” lang ang tawagan, o kaya Toyang. Kung mapamura ka sa loob, bawal ang “fuck” o kaya “damn.” Kailangan, yung malutong na PUTANGINA o kaya Bwakanangina o kaya SYET, na walang kolsenter islang.
Nakapanlulumo lang na ang nagsampal sa atin ng “Para sa Masa” ay hahayaan ang karamihan ng kanilang mga tagasunod na maiwan sa labas, sumilip sa siwang ng matatayog na pader ng kanilang pagtatanghalan.
Tara. Tangina. Tagay na lang.
**UPDATE** Konting pahabol lang. Pagkatapos kong i-post ang nasa taas, nagbanyo ako para tumae. Hindi figure of speech na "tumae". Tumae talaga ako, literal. Seryoso tol. Alam mong nangyari? Nasa tugatog na ako ng ligaya nang biglang may nagbukas nung pinto ng banyo (hindi yung pinto ng cubicle ko, tangek). Ang ugali kasi ng mga naglilinis dito sa opisina, bubuksan nila yung pinto, para madaling matuyo at para wala rin sigurong pumasok. So pinakiusapan ko muna yung nagbukas: "Brod, pwede bang pakisara muna ang pinto? Saglit na lang ito. Salamat" Isinara niya naman. So tuloy. Ok na. Pero mayamaya, nagsimula na siya biglang magbuhos ng tubig sa sahig. Tangina, mababasa na ako e. So minadali ko na ang waste disposal ko, naglinis ng dapat linisin, para pagsabihan dapat siya. Ang una kong nasalubong ay ang mabait naming tropa na si GM. Kapag sinabi kong mabait si GM, totoo yun, walang sarcasm. Gusto ko sanang sitahin itong kupal pero hinayaan ko na lang. May halo ang nakasalubong ko e. Ayoko namang magkapahiyaan pa sa harap ng iba. Kaya bumalik ako sa station ko, pinalampas, at inisip ko na lang na trabaho nila yun. Baka scheduled talaga. At pagbukas ko ng yahoo, na-hover ko yung link sa horoscope. Ito ang sabi:
If you end up dealing with an arrogant person today, try not to let their bad behavior tarnish who they are in your eyes. Sometimes when people get put into a difficult situation, they lash out and act defensively or impolitely. Perhaps this boorish person is just feeling insecure? Try to understand that one encounter will not give you a complete idea of who they really are. Give this person another chance to impress you. You will be very glad that you did.
Trabaho lang, balbon. Trabaho lang.