Happy New Year, mga Fans.
Antagal kong hindi nakabisita at nakasulat dito, kaya andaming pwedeng ikwento. Pero namamayani pa rin hanggang ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapagpost. Tinatamad ako. Kaya tignan na lang natin kung hanggang saan ang abutin nitong entry na ito. Game.
1. Nabalitaan mo na bang wala nang Elite dito sa Manila? Puro mga sa Cebu na. Bakit? Ewan. Gudlak.
2. Wala na akong tula. Mayo pa nang huling nakasulat ako. Hindi naman sa wala akong maitula. Napapangitan lang ako sa mga naiisip ko. Yung tipong di mo pa naisusulat, pero napapangitan ka na sa ideya, kaya umiinom ka na lang ng alak kasi inaakala mong pag naubos mo yung pangalawang bote ng beer, may mas maganda ka ng ideya, pero naka-apat, lima, anim, tatlong buckets ka na, tae pa rin. Kaya nakakatulog ka na lang sa upuan tapos masakit ang ulo mo kinabukasan at iniisip mo kung ano yung mga naisip mo kinagabihan, pero wala na, wala na. Akalain mo, pitong buwan na ganito? Help.
3. Natural lang naman sigurong tanungin natin ang sarili kung naging masaya ba tayo nitong 2008. Ako? Oo, na hindi. Kasi sa loob ng unang limang buwan, naging napakaproductive ko sa pagsusulat. Umabot pa nga ako sa antas na ayaw ko nang magtrabaho dahil gusto ko na lang magsulat. Akalain mo, sinalubong ko ang 2008 na kasama sila ser Rio at pitong kaLIRA sa Tagaytay para magkaroon ng workshop. Magandang simula. Ginanahan ako, at nagpasa sa IYAS, pasok na naman. Madami akong nakakilalang mga kaumpugang lapis, at nakatalisod ng ilang mga kupal na makata. Pero alam mo yun bigla ka na lang gigising at may mataas na pader na lang bigla sa harap mo. Ito yung pader na ikaw pala mismo ang nagtayo. Tawagin natin siyang Pader ng Sarili. Ito yung pader na may nakasulat na, "so, anlaki ng ngiti natin ah! ano na ngayon, Balbon?". Dito siguro bumaliktad bigla ang tipo ng panulaang gusto kong tahakin. Ayoko na (muna) sa Imagism. Hindi naman sa ayaw, pero andami na kasing nagdudunong-dunungan sa mga "abstract-kuno" na tipo ng pagtula, na kapag naclassify nang "malabo" yung isinulat nila, maganda na. Tula na. Kapag naman tinanong mo kung saan nanggaling ang mga dalumat, mas malabo ba ang paliwanag nila kesa sa burak ng Ilog Pasig. Kaya ko naman talagang mamalagi sa tipo ng pagtula ko ngayon, at manatiling kuntento kapag naibaba na ang pluma, pero nabuburat akong andami nang lumalaktaw sa mga payak na antas ng pagsusulat. Hindi ito yung pagbabanat ng mali para mapatunayan mong tama ka, pero ito yung pagsasabi sa kanilang may problema sa ginagawa nila, na kapag ipinagpatuloy, mas lalala ang mangyayari at baka mapatay mo sila. Ganun.
4. Pagusapan din natin onti ang NBA. Pagusapan natin ang Boston. Pagusapan natin kung paano nila binabraso ang mga mas batang koponan ngayon gaya ng Portland. Napanood mo ba yung laban nila? Pagusapan natin ang pagiging Bully ni Garnett. Pagusapan natin yung daladalang kumpiyansa ni Rondo ngayon, at ihambing sa nakaraan niyang season. Pagusapan natin ang nagagawa ng 17th banner, at ng "THE Ring." Ang masasabi ko lang: Embrace the Dark Force. Harhar.
5. Sagutin natin ng mas mabilis yung tanong na naiwan sa kung naging masaya ako nitong 2008: Sa trabaho, masaya ako sa mga tropa ko, maraming salamat. Hindi ako masaya sa management dahil para lang silang nagpapalit ng roll-on kapag naglalatag ng mga bagong metrics. Masaya at kaya ko pa namang kumuha ng universal calls, pero baka kumasa na ako nitong 2009. Malalaman. Sa LIRA/PinoyPoets: gaya nga ng naikwento ko kanina, medyo tuyo na ata ang balon ko. Pero may bubukal dito, pramis. Meron, pramis. Sa pamilya: sobrang kuntento kasi lahat ng lamat na nagawa ng mga kalokohan ko ng 2008, wala na. Maging healthy pa rin sana ang mga Uncle at Auntie ko, dahil parang hindi pa ako handang matawag na Tito. Sa Pembo/balutan: maraming nabubuong alaala kapag simple lang ang takbo ng kwentuhan. Isang baso, isang bilog, isang pitsel na tubig, dalawang pisong mani, swabe. Salamat, salamat. At sa Lablayp: alam mo na yun. Alam na NIYA yun. Ayayatenka unay, Biag ko. Andami-dami-daming nagyari. Naghahabulang salamat sa lahat, lahat, lahat. =)
6. Mahalaga rin sigurong ikwento ko na ngayon ko lang niregaluhan ang sarili ko. Mula kasi nang magkatrabaho ako, puro mga relatives ko ang may regalo, na kapag punitan na ng natanggap na aguinaldo, nakakalimutan ko palaging bigyan ang sarili ko. Kaya kahit minsan lang, spoiled si Charles sa sarili niya. 1 time lang ito. Ano ang binili ko? Kalabitin mo ako, ibubulong ko sayo. Pero sa lahat ng nabili ko, ito ang peyborit ko: 140 Php lang, Balbon. Ito mismo yung gusto naming dekwatin ni Rhodge sa QC library.
Research niyo na lang kung sino ang mga nakasama diyan sa libro. Belat, hehe.
7. Akalain mo, nakaanim na puntos ako. Tama na yun. Sinasaniban na naman ako ng katamaran. Sa susunod na lang. Paalam.
marlogwapo (guest)

Pam (guest)
GHV2

Ayang book na yan ang CONTEMPORARY OF THE CONTEMPORARY!
Buti ka pa meron ng kopya. Tapos na ba si Pam? Hehe.
Siquey
