poso-negro ni siquey...

March 17th, 2009

TULA: Sa Mga Pagitan ni Charles Bonoan Tuvilla

http://www.flickr.com/photos/alaricyanos/2704562771/

Sa Mga Pagitan

Marahil, angkop lamang na magmungkahi ng simula’t hanggahan: isang silid, may hubad na banig, ang mabigat na langitngit ng pintong nasa bingit ng bukas-pinid. “Tumuloy ka” ang nais kong sunod na sabihin, subalit nakahakbang ka na, ipinasok maging ang sapatos, at nambulabog. Ang ibig kong sabihin, pinunan mo ang namamayaning bulong, nakakulong. Pansinin ang pilapil ng sapot sa kisame, ang pagbibigay-anyo ng sinag sa humuhulagpos na anino. Gaano na nga ba katagal sumisilip ang sariling tsinelas? Sa kabila ng lahat, ang busina tuwing alas siyete ng umaga, na magiliw nating sinasalubong ng ating mga basura.

Pangalanan natin ang mga pagitan; ang puwang sa pagsilang at kawalang-ngalan, mga alinlangang di-winika’t sa lambat ng dila na lamang iniiwan.  Madilim pa, ngunit maliwanag sa ating umaga na:  inilalatag ng matador ang mahimbing at kalahati-na-lamang na katawan ng baboy sa tabla, unan ang duguang sangkalan. Ilang beses na bang nagkulang ang tiyak? Minsan, dumudungaw ang ganap sa mga agwat; kadalasan, lungkot, hadlang: ang butas na tubo sa kalsada, mga alon mulang bakas ng basang gulong sa tag-araw, ang pagpikit ng dalampasigan, ang paghahanap sa mga hakbang. Sapat na ba ang mga patlang? Sa sulok, malaon nang nilipol ng mga insekto ang hukbo ng mga basyo ng serbesa, at tila nagtatapat ang pader na, lagi, sa aki’y may lagusan: balikat, katawan, bintana, hanggahan, pinto, pagitan.

Ganito: madilim ang tabing sa bawat hikbi’t tibok, at sa pamamagitan, nag-uukol tayo ng pagkukulang.  May nasabi ba ako? Ito, katahimikan. Saglit. Dito, ang simula. Nakarating na ba sa iyo ang lumang kuwento tungkol sa pagpapalit-tahanan ng dila at puso? Nauutal ang mga hulagway sa ating paligid, at nagsisimula nang pagdudahan ang mga di-pa-nasabi. Samakatuwid, lalo na ang mga di-na-masabi; tulad nito: kanina, binuksan mo ang bintanang matagal nang tikom at tila kapwa tayo naumid sa buntong-hininga’t daing ng buong silid. Tanghaling tapat at sa huli, taimtim ang nais na huwag malupig ang ngayon at ang loob, nakatanghod, sinisiyasat ang mga buod ng pagsasara: balikat, katawan, bintana, hanggahan, pinto, pagitan.

Posted by Siquey at 11:19 AM in Mga Tula | gumamit ng banyo

January 5th, 2009

Isang munting entry na dala ng katamaran na biglang humaba dahil Nyu Yir. Bow.

Happy New Year, mga Fans.
 
Antagal kong hindi nakabisita at nakasulat dito, kaya andaming pwedeng ikwento. Pero namamayani pa rin hanggang ngayon ang dahilan kung bakit hindi ako nakakapagpost. Tinatamad ako. Kaya tignan na lang natin kung hanggang saan ang abutin nitong entry na ito. Game.
 
1. Nabalitaan mo na bang wala nang Elite dito sa Manila? Puro mga sa Cebu na. Bakit? Ewan. Gudlak.
 
2. Wala na akong tula. Mayo pa nang huling nakasulat ako. Hindi naman sa wala akong maitula. Napapangitan lang ako sa mga naiisip ko. Yung tipong di mo pa naisusulat, pero napapangitan ka na sa ideya, kaya umiinom ka na lang ng alak kasi inaakala mong pag naubos mo yung pangalawang bote ng beer, may mas maganda ka ng ideya, pero naka-apat, lima, anim, tatlong buckets ka na, tae pa rin. Kaya nakakatulog ka na lang sa upuan tapos masakit ang ulo mo kinabukasan at iniisip mo kung ano yung mga naisip mo kinagabihan, pero wala na, wala na. Akalain mo, pitong buwan na ganito? Help.
 
3. Natural lang naman sigurong tanungin natin ang sarili kung naging masaya ba tayo nitong 2008. Ako? Oo, na hindi. Kasi sa loob ng unang limang buwan, naging napakaproductive ko sa pagsusulat. Umabot pa nga ako sa antas na ayaw ko nang magtrabaho dahil gusto ko na lang magsulat. Akalain mo, sinalubong ko ang 2008 na kasama sila ser Rio at pitong kaLIRA sa Tagaytay para magkaroon ng workshop. Magandang simula. Ginanahan ako, at nagpasa sa IYAS, pasok na naman. Madami akong nakakilalang mga kaumpugang lapis, at nakatalisod ng ilang mga kupal na makata. Pero alam mo yun bigla ka na lang gigising at may mataas na pader na lang bigla sa harap mo. Ito yung pader na ikaw pala mismo ang nagtayo. Tawagin natin siyang Pader ng Sarili. Ito yung pader na may nakasulat na, "so, anlaki ng ngiti natin ah! ano na ngayon, Balbon?". Dito siguro bumaliktad bigla ang tipo ng panulaang gusto kong tahakin. Ayoko na (muna) sa Imagism. Hindi naman sa ayaw, pero andami na kasing nagdudunong-dunungan sa mga "abstract-kuno" na tipo ng pagtula, na kapag naclassify nang "malabo" yung isinulat nila, maganda na. Tula na. Kapag naman tinanong mo kung saan nanggaling ang mga dalumat, mas malabo ba ang paliwanag nila kesa sa burak ng Ilog Pasig. Kaya ko naman talagang mamalagi sa tipo ng pagtula ko ngayon, at manatiling kuntento kapag naibaba na ang pluma, pero nabuburat akong andami nang lumalaktaw sa mga payak na antas ng pagsusulat. Hindi ito yung pagbabanat ng mali para mapatunayan mong tama ka, pero ito yung pagsasabi sa kanilang may problema sa ginagawa nila, na kapag ipinagpatuloy, mas lalala ang mangyayari at baka mapatay mo sila. Ganun.      
4. Pagusapan din natin onti ang NBA. Pagusapan natin ang Boston. Pagusapan natin kung paano nila binabraso ang mga mas batang koponan ngayon gaya ng Portland. Napanood mo ba yung laban nila? Pagusapan natin ang pagiging Bully ni Garnett. Pagusapan natin yung daladalang kumpiyansa ni Rondo ngayon, at ihambing sa nakaraan niyang season. Pagusapan natin ang nagagawa ng 17th banner, at ng "THE Ring." Ang masasabi ko lang: Embrace the Dark Force. Harhar.
 
Boston Bullies!
 
5. Sagutin natin ng mas mabilis yung tanong na naiwan sa kung naging masaya ako nitong 2008: Sa trabaho, masaya ako sa mga tropa ko, maraming salamat. Hindi ako masaya sa management dahil para lang silang nagpapalit ng roll-on kapag naglalatag ng mga bagong metrics. Masaya at kaya ko pa namang kumuha ng universal calls, pero baka kumasa na ako nitong 2009. Malalaman. Sa LIRA/PinoyPoets: gaya nga ng naikwento ko kanina, medyo tuyo na ata ang balon ko. Pero may bubukal dito, pramis. Meron, pramis. Sa pamilya: sobrang kuntento kasi lahat ng lamat na nagawa ng mga kalokohan ko ng 2008, wala na. Maging healthy pa rin sana ang mga Uncle at Auntie ko, dahil parang hindi pa ako handang matawag na Tito.  Sa Pembo/balutan: maraming nabubuong alaala kapag simple lang ang takbo ng kwentuhan. Isang baso, isang bilog, isang pitsel na tubig, dalawang pisong mani, swabe. Salamat, salamat. At sa Lablayp: alam mo na yun. Alam na NIYA yun. Ayayatenka unay, Biag ko. Andami-dami-daming nagyari. Naghahabulang salamat sa lahat, lahat, lahat. =)
 
6. Mahalaga rin sigurong ikwento ko na ngayon ko lang niregaluhan ang sarili ko. Mula kasi nang magkatrabaho ako, puro mga relatives ko ang may regalo, na kapag punitan na ng natanggap na aguinaldo, nakakalimutan ko palaging bigyan ang sarili ko. Kaya kahit minsan lang, spoiled si Charles sa sarili niya. 1 time lang ito. Ano ang binili ko? Kalabitin mo ako, ibubulong ko sayo. Pero sa lahat ng nabili ko, ito ang peyborit ko: 140 Php lang, Balbon. Ito mismo yung gusto naming dekwatin ni Rhodge sa QC library.
Libro ko!
 
Research niyo na lang kung sino ang mga nakasama diyan sa libro. Belat, hehe.
 
7. Akalain mo, nakaanim na puntos ako. Tama na yun. Sinasaniban na naman ako ng katamaran. Sa susunod na lang. Paalam.

Posted by Siquey at 03:19 PM in Mga Tula, Mga Bola, Mga kwento | 4 ang nag-flush

November 24th, 2008

TULA: Study of Death ni Barbara Cully

http://openlearn.open.ac.uk/file.php/1621/K260_1_004i.jpg
Study of Death
Barbara Cully
 
one
 
When i heard you say, "Water escapes me yet marks me, " you were sitting across from me blooming in a life's high season. In my office you were haunted by your blue dress, the image of it in the mirror across from you last week at the clinic. You talked about surviving the illness and your increased difficulties with the cure. A beautiful choice, blue, hanging empty across from you. Your exposed chest with its scar as a talisman. And your quietude as a protection into the end of the day. Always barely breathing, brave, you cleared your throat of everything before you spoke.
 
two
 
When I heard the news, I scattered. Out of the building onto the street, dismembered. Later on, on the beach, I would come across my limbs wandering each alone among the breakers. You slipped past me. You slipped under the conversation we were having into the eternity we talked about. Our literal feet resting on the floor and Whitman's "look for me under your boot soles" across the room. Across your forehead a curved spider dashed cleanly not announcing its escape.
 
three
 
In the Tomb of Hunting and Eating, stars float as fish: A plant has the appearance of a rope, a rope the appearance of a snake and so on: Warriors, barefoot, pictured next to the Lady of the Beasts in a sacrifice scene: Noble women on horseback, intoxicated, the sacred and the profane interwoven with punishment and loss. In subsequent panels, we see these same women as attractive grotesques turning into wild boars or wolves.
 
four
 
Of course, at the shoreline's violent end, I will also fade. We will be everywhere seeking a god who walks between the buildings and who also rages. Later, after I live my life, I get to say, near me were near the fire. You get to say, cross over; wither and fade; blossom to the sky. For a few it was the custom to go ashore when they found the madness overtaking them. Here I should mention the matter of enormous waves. Those who were seized with the battle rage became beasts, and then they flung themselves against cliff sides and the huge rocks. At dusk, the low-light fire of the world, the water dragon, the poet puffing poppies then asleep in his cave of opium. The angels, losing no time, were putting something into what we were drinking, floral rosettes, fauns, the unaccounted for taste of truffles and women.

Posted by Siquey at 11:51 AM in Mga Tula | gumamit ng banyo

November 16th, 2008

Crab Mentality- Crap Mentality

Natuwa ako sa kalalabas lang na poster sa ibaba. Tumutumbas siya sa kompetisyon sa pagitan ng Manila at Cebu sa aming account sa PS. Mali siguro ang basa ko sa payak na intensyon ng gumawa nitong poster, pero hindi ko mapigilang bigyang-pansin ang katotohanan sa likod ng dalawang sipit ng mga alimango.

Crab Mentality

Marami haka-haka ang nakalutang sa loob ng account naming ngayon, at sindami rin nito ang mga nagra-rant sa mga desisyon ng management nitong mga huling araw. Bahala sila. Nananahimik na lang ako.  Bahala sila sa mga amoy-shawarmang buhay nila. Datos lang ako kung datos, sige. Basta tuwing lumalabas ako pagkatapos ng bawat shift ko, pwede akong sumigaw ng " I ain't biting the curb, madapakars!!!". Yun. 

Maghilaan kayo pababa. Bahala kayo. Basta huwag niyo akong guluhin. Manonood lang ako ng online videos. Tenkyu.  

Posted by Siquey at 02:25 PM in Mga kwento | 5 ang nag-flush

November 15th, 2008

Dahil wala akong maisulat...

... Isa munang tula ni Roo Borson.

SUMMER'S DRUG

Those nights. They came after days during which my father's cigarette glowed like a rose caught in sunset on a distant hillside. Then he would stub it out and night would fall.

The air would be traversed by strange scents emanating from night-blooms, and the passion vine broadcast for miles around its coded message, wound along the trellis. The fruit dangled, frosted with silver and fur, and inside: a smile of translucent teeth, a mouth full of smuggled jewels. The honeysuckle threaded everything with white and yellow trumpets, evaporating in a sweet gas. So sweet that one inhalation inflames the nostrils and after that is no longer detected.

All night long my parents slept, breathing it, my mother facing that darkened place she would always roll toward, the open window to the wild hill. And my father next to her under the light, fallen asleep in the middle of himself as in a field he'd been crossing, the book still open beneath his fingers, and the circling moths, with wings of powdered lead, whirling shadows around his face.

Posted by Siquey at 09:04 PM in Mga Tula | gumamit ng banyo

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon