poso-negro ni siquey...

October 12th, 2008

Tumuwad ka, Baby.

Pornstar

Sira ang karera ni George Estregan kung nagkasabay kami.

Posted by Siquey at 09:42 AM in Mga kwento | 7 ang nag-flush

October 6th, 2008

Sa Balutan

sa balutan
Nasasanay na ako sa bagong sched ko sa opisina ngayon: 8am-5pm. Parang taga-GSIS lang. Maaga akong nakakauwi ngayon sa kwarto at dahil wala naman akong ginagawa sa kwarto kundi pagtiisan ang ilang malinaw na channels sa naka-tap kong cable, o kaya ay magbasa ng ilang librong nabasa ko na dati, tumatambay na lang ako sa kanto. May bagong tambayan ngayon sa amin. Ito ay ang Pong's rolling store, o mas kilala sa bansag na Balutan. Kapag bumababa kayo sa Staff house, malapit sa Market! Market!, ito ay ang kariton na mukhang tindahan na mukhang karinderya sa kanto ng Lirio. Dito kami inaabot ng madaling araw sa pangaabuso sa nakamamatay na kombinasyon ng Red Horse at Balot. Highblood kung highblood.
 
sa balutan
 
Parang buhay ng isang kahon ng sapatos ang Pong's rolling store. Nagsimula lang ito bilang normal na mesa na inilalabas kapag may tagay; isang tablang may apat na paa, may mantsa ng mga nagdaang inuman. Nang naisipang magnegosyo ni Tatay Pong (Ama ni Pareng Puyo), ginawa niya itong patungan ng mga diyaryo sa umaga. Nang naambunan ito, kinabitan ng pansamantalang bubong. Nang kinailangang iiwas sa sikat ng tanghaling-araw, nilagyan ng gulong, at nang nagpumilit sumilip ang sinag o kaya'y bumuhos ang ulan, dinugtungan ng "trapauline" (trapal na tarpauline). Nang napagpasyahan nila Pareng Puyo na magbenta ng lutong ulam, nilagyan ng istante sa ibabaw, at ginawan na rin ng kabinet sa ilalim. Pinahaba na rin ang kabilang dulo nito upang pagpatungan ng lalagyan ng Balot na inilalako naman kapag lumubog na ang araw. Ang sunod na balak ngayon ay kabitan na rin ng ihawan sa isang dulo para magpaisaw kami sa gabi. At siyempre, hindi na rin maiwasang maging kama ito kapag may senglot na at hindi na makauwi. May mga nakatago na rin namang unan sa ilalim nito.
sa balutan
sa balutan

sa balutan

Dito ngayon ang palaging umpukan mula nang tinibag ang basketball court sa dose. Hindi naman kami basta papayag na maubusan kami ng pantagay mula nang hindi na kami makaharang sa basketbol. Kapansin-pansin na ngang parang may "shifting" na rin ang mga tropa; isa lamang ang lumiliban sa bawat isang araw. Kadalasan, Lunes ako absent. Marami kasing trabaho sa opisina nun at di na ako nakakadalaw sa balutan kapag nakahiga na ako sa maasim kong kama. Nawiwili akong tumambay dito dahil sa dami ng nahuhugot kong mga ideya habang nakaupo sa may balutan.
sa balutan
 
Andami ko pang gustong sabihin kaso nabuburyong na ako. Gusto ko pa sanang idagdag ang mga naiambag sa akin ng balutan, at ang mga nangyari nitong mga huling araw, at mga plano ko sa mga susunod na buwan, pero putangina kasi, hindi ako marunong gumamit ng burador kapag gumagawa ng blog. Nagawa ko na ang buong entry na ito, 1 week ago, pero nawala nung ipopost ko na.Ukinanginangyan. Kaya kapag gusto kong balikan ang mga naisulat ko dati, mas lalo lang akong nababadtrip sa aking katangahan. Lahat ng naisulat sa mga naunang stanza ay parang pilit ko lang inuulit na isulat, kaya ampangit. Sana maikwento ng mga litratong isinama ko dito ang mga gusto ko pang ikwento sa inyo. Sana.

sa balutan

sa balutan

Heto na lang. Basahin niyo na lang itong tula na nagawa mula sa kanto. Naipost na yan dati. Lahat ng nagamit na imahen diyan, nahugot lahat sa Kanto ng Lirio. Lesson: gumamit kayo ng draft kapag mag-blog kayo. Huwag niyo akong gagayahin. Kung gusto pa ninyong marinig ang ilang kwento, text niyo lang ako. Tambay tayo minsan sa Balutan.
 

Sa balutan

Sa Pagtambay

    

I

May basag na naman

kagabi. Kasama ang ilang tuyong bulaklak

ng naghihikab pang bugambilya, hinakot ko

ang mga bubog. May pipilay-

pilay na pusang tumawid. Nakakainip.

Sana dumating na

ang pansit.

    

II   

Nagbuhat din ako nang

bagong-lipat sila dito. Ngayon, 

pinili kong ilabas

ang mga ipinasok ko rin noon. Halos

wala nang natira. Nang mag-isa kong itinawid

ang mesa sa pinto,napunit ang ngiti 

ni Mayor sa poster. Ang mahalaga,

nakalusot.

Nakakapagod.

    

III    

Paikot-ikot,

                        magkatalikod

ang mga askal, nais nang makawala

sa isa't-isa. Nagkasalubong

ang tatlong butiki sa abenida

ng pader. Hinihigop na ng sulok

ang mga anino. Pauwi na

            silang lahat.

    

IV   

May pusang

pisa sa gitna: pasador sa hiwa

ng daan. Marahil, huli na

niyang buhay.  

Habang mahimbing ang matandang

poste, pinapatahan na rin ang videoke;

"Are you having fun yet?" Sandali na lang,

papatayin na si Sinatra.

Maagang magsasara ang bahay-

aliwan. Maaga-aga rin akong

                mag-aabang

muli,

sa pansitan.

Posted by Siquey at 11:55 AM in Mga Tula, Mga Bola, Mga kwento | 1 ang nag-flush

September 16th, 2008

POEM: Thinking Stones by Rigoberto Gonzalez

http://images.tabulas.com/73875/m/p57_mary_river_gravel_75.jpg

Thinking Stones
Rigoberto Gonzalez

Seattle

She said stones are capable of thought. They had to be: any object with sound
could think. Something about the waves trapped inside of rock, memory

of time. Something about rock's metallic viscera. The Japanese had it right,
cultivating a contemplation garden on a bed of sand fluid as blood, each rock

electric as a brain, she said. Dementia brought out the poet in your mother.
You sit at her side writing down what intrigues her: horses, because they wear

a fifth hoof over the mouth; flashlights, because they can't keep secrets; and
stones. Lately, even the gravel has been buzzing with collective thought: death,

the last mystery to what has crushed all else beneath its weight-an immortality
suspending rock in the disregarded world of lost gods. Your mother pities

that, and comforts a stone in one hand. You remember your own soft fist inside
her fingers years ago, when your mother could roller skate and guide you

through the terrible, shaky sidewalk. When she laughed, you imagined doves
in flight, seed puffs escaping through the openings of the fence, and everything

else that ascends toward light. Your mother doesn't keep her days of wonder,
nights of anguish anymore. Memory comes so complete it remembers to forget.

You write her in words to make her permanent, but time untethers and she will
tear away as surely as her photographs inside your wallet will not be recognized

when you're as old as she is now, slightly senile and reading a diary of unfamiliar
entries-petroglyphs giving testimony to a last embrace, but recalling nothing else.

Think fossil, think watermark, and think about the stubborn barnacle that makes a grave
of its home. The woman next to you is the place of your birth and she will free you

finally, to wander the shifting plates of the planet on your own. Know now
that she can leave without you, deaf to your cries, your pleas, your fear of

getting locked out of her house. Stand now before the apathetic widows. No use in
knocking on the door. Think sleeping oyster. Think coma. Think stone.

Posted by Siquey at 11:37 AM in Mga Tula | gumamit ng banyo

September 11th, 2008

Sa Demolisyon

http://images.tabulas.com/73875/r/184199123_94ed0e864f.jpg

Sa Demolisyon
ni Charles Bonoan Tuvilla

Tapos na. Ngunit tuwing may tumutuntong
sa guho, muling ipinupukol ng mabibigat na kalabog-
lata ang mga nagliparang bato at putanginaninyo kanina.
Hinihingal ang lahat habang nakapatong sa kanya-
kanyang bubong, tila mga batang namumulot
ng mga bumagsak na guryon. Nakakalat ang mga walang
pares na tsinelas. Nauna pang dumating
ang bulaklak na galing kay Mayor kaysa
kay Mang Elias. Nakasandal ang kanyang maybahay
sa naiwang poste ng dati nilang tindahan; wala pa ring
nag-aabot ng bayad sa utang. Sa C5, buong-ingat
na isinilid ng paslit ang kahon ng posporo
sa mababaw niyang bulsa. Kailangan na nilang
umuwi. Basta. May tiningala siya sa langit, at panay
billboard ng Wowowee ang nakita. Pumalakpak siya,
at sumugod ang pulutong ng mga kalapati,
naghabi ng sansaglit na silong sa kalawakan.

Posted by Siquey at 11:17 AM in Mga Tula | 6 ang nag-flush

September 1st, 2008

Palanca 2008 Winners!!!

Congrats sa inyong lahat!!! smiley-laughing.gif (mula sa palancaawards.com.ph)

CONGRATULATIONS

TO THE WINNERS OF THE

58TH

DON CARLOS PALANCA

MEMORIAL AWARDS FOR LITERATURE

 

Filipino Division

 

nobela

 

Norman Wilwayco

Elmo Basangdahon

“Gerilya”

Grand prize, Nobela

 

 

MAIKLING KUWENTO

 

Maria Lucille G. Roxas

“Game Show”

1st prize, Maikling Kuwento

 

Lemuel E. Garcellano

Oona

“Anghel Kalahig”

2nd prize, Maikling Kuwento

 

Rommel B. Rodriguez

“Kabagyan”

3rd prize, Maikling Kuwento

 

 

MAIKLING KUWENTONG PAMBATA

 

April Jade B. Imson

Pinatola I’ Kilid

Si Karding at ang Buwaya”

2nd prize, Maikling Kuwentong Pambata

 

Allan Alberto N. Derain

Alon Darang

May Tatlong Kurimaw”

3rd prize, Maikling Kuwentong Pambata

 

 

SANAYSAY

 

Jing Panganiban-Mendoza

Sestina Amara

“Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng Banyera”

1st prize, Sanaysay

 

Michael M. Coroza

Harana ng Puso

“Ang Mabuhay Singers at Ako sa Pag-awit At Pag-ibig”

2nd prize, Sanaysay

                                                                                                                       

Eugene Y. Evasco

Latido Del Corazon

“Agaw-Buhay”

3rd prize, Sanaysay

 

 

TULA

 

Mikael de Lara Co

“Ang Iba’t Ibang Ngalan ng Hangin”

1st prize, Tula

 

Renato L. Santos

“Sari-Saring Salaghati…”

(at good-bye-my-kangkungan)

2nd prize, Tula

 

Niles Jordan Breis

Maria Socorro Antimonado

“Rubrica” mga lakbay-nilay at

pagbubunyag

3rd prize, Tula

 

 

DULANG MAY ISANG YUGTO

 

FLoy C. Quintos

Noel Carillon

“Ang Kalungkutan ng mga Reyna”

1st prize, Dulang May Isang Yugto

 

Debbie Ann Tan

Golden Piat

“Teroristang Labandera”

2nd prize, Dulang May Isang Yugto

 

 

 

Allan B. Lopez

“Masaganang Ekonomiya”

3rd prize, Dulang May Isang Yugto

 

 

DULANG PAMPELIKULA

 

Emmanuel A. Dela Cruz/ Michiko Yamamoto

Setsuko

1434456 “The Singalong Singhs”

1st prize, Dulang Pampelikula

 

Dennis M. Marasigan

“Joy”

2nd prize, Dulang Pampelikula

 

Alfred Aloysius L. Adlawan

“Padyak”

3rd prize, Dulang Pampelikula

 

 

Kabataan sanaysay

 

Allen D. Yuarata

“Nang Dumating Si Joe”

3rd prize, Kabataan Sanaysay

 

 

Regional Languages Division

 

MAIKLING KUWENTO - CEBUANO

 

Macario D. Tiu

Sandino De Jesus

“Tsuru”

1st prize, Maikling Kuwento-Cebuano

 

Edgar S. Godin

Surealiza Maldoy-on

“Bingo”

2nd prize, Maikling Kuwento-Cebuano

 

Lilia T. Tio

Antonia

“Sapatos”

3rd prize, Maikling Kuwento-Cebuano

 

 

 

 

MAIKLING KUWENTO - HILIGAYNON

 

Leoncio P. Deriada

Ma. Asuncion Magbanua

“Ang Pagbalik sang Babaylan”

1st prize, Maikling Kuwento-Hiligaynon

 

Alice Tan Gonzales

“Dawata, Anak”

2nd prize,Maikling Kuwento-Hiligaynon

 

Marcel L. Milliam

Luis Batchoy

“Bitay”

3rd prize, Maikling Kuwento-Hiligaynon

 

 

MAIKLING KUWENTO - ILUKO

 

Danilo B. Antalan

Karissabong

“Dangilen”

1st prize, Maikling Kuwento-Iluko

 

Ariel S. Tabag

Saniata T. Bannawag

“Littugaw”

2nd prize, Maikling Kuwento-Iluko

 

Aurelio S. Agcaoili

Alegoria A. Nasudi

“Alegoria Uno”

3rd prize, Maikling Kuwento-Iluko

 

 

English Division

 

 novel

 

Miguel Syjuco

“Ilustrado”

Grand prize, Novel

 

 

SHORT STORY

                                                                       

Ian Rosales Casocot

Tatiana Pedillo

“Things You Don’t Know”

1st prize, Short Story

 

Tara FT Sering

Tinkerbell

“Good People”

2nd prize, Short Story

 

Nadine L. Sarreal

Sarah L. Natahan

“Night Sounds”

3rd prize, Short Story

 

 

SHORT STORY FOR CHILDREN

 

Celestine Marie G. Trinidad

“The Storyteller and the Giant”

1st prize, Short Story for Children

 

Kathleen Aton-Osias

“The Mapangarap and the Dream Trees”

3rd prize, Short Story for Children

 

 

ESSAY

 

Jose Claudio B.Guerrero

Headmistress Millie

“Talking to a Fu Dog on a Wedding Afternoon”

1st prize, Essay

 

Katrina Stuart Santiago

Pregnant Pause

“Mirrors”

2nd prize, Essay

 

Jhoanna Lynn B. Cruz

Bubu Banchi

“Sapay Koma”

3rd prize, Essay

 

 

POETRY

 

Francis C. Macansantos

“Morphic Variations”

1st prize, Poetry

 

 

 

 

Ana Maria Katigbak

Constance Pendleton

“Sl(e)ights”

2nd prize, Poetry

 

Marie La Viña

Dee Perez

“The Gospel According to the Blind Man”

3rd prize, Poetry

 

 

ONE-ACT PLAY

 

Maria Clarissa N. Estuar

Bluekessa

“Anybody’s Revolution”

1st prize, One-act Play

 

Percival Intalan

P. Parker

“Secret Identities”

2nd prize, One-act Play

 

Joachim Emilio B. Antonio

“Newspaper Dance”

3rd prize, One-act Play

 

 

FULL-LENGTH PLAY

 

Peter Solis Nery

Guglielmo Dellamaggidra

“The Passion of Jovita Fuentes”

1st prize, Full-length Play

 

Kabataan Essay

 

Miro Frances D. Capili

“Rated X”

1st prize, Kabataan Essay

 

Cristina Gratia T. Tantengco

“Things That Lie Beyond The Postcards”

2nd prize, Kabataan Essay

                                                           

Elfermin M. Mallari, Jr.

“The Roads and Dreams That Meander”

3rd prize, Kabataan Essay

Posted by Siquey at 03:18 PM in Mga Tula | 4 ang nag-flush

« | »
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon