poso-negro ni siquey...

July 22nd, 2008

"Akala ko kulangot, yun pala sipon"

kulangot

Akala

Parokya ni Edgar

 

Akala ko ice tea, yun pala beer

Akala ko reverse, yun pala second year

Akala ko kasya, yun pala hindi

Akala ko tama, yun mali

 

Akala ko hiphop, yun pala metal

Akala ko batis, yun pala kanal

Akala ko toothpaste, yun pala glue

Akala ko birdie, yun pala blue

 

Akala ko tsinelas, yun pala sapatos

Akala ko umabot, yun pala kapos

Akala ko bukas, yun pala kahapon

Akala ko mamaya, yun pala ngayon

 

Akala ko alam ko na ang lahat

Ng dapat kong malaman

Ngunit mali nanaman

Pero ok lang ya...aaan

 

Wag kang matakot na baka magkamali

Walang mapapala kundi ka magbakasakali...Dahil

Lumilipas ang oras

Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

 

Akala ko chicken, yun pala asado

Akala ko bukas, pero yun pala sarado

Akala ko mansanas, yun pala banana

Akala ko meron pa, yun pala wala na

 

Akala ko foreign, yun pala pinoy

Akala ko blackjack, yun pala pusoy

Akala ko talo, yun pala panalo

Akala ko si Chito, yun pala ako

 

Akala ko dati, walang mangyayari

Akala din nila, ngayon wala silang masabi

Akala ng lahat mapapagod din ako

Mabuti nalang matigas ang aking ulo

 

Akala ko walang mapupuntahan

Kahit na paghirapan...

Ngunit mali nanaman

Kung di ko sinubukan

Sana'y hindi ko na nalaman

...Eh di nasayang lang

 

Wag kang matakot na baka magkamali

Walang mapapala kundi ka magbakasakali...Dahil

Lumilipas ang oras

Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan

 

Wag kang matakot na baka magkamali

Walang mapapala kundi ka magbakasakali...Dahil

Lumilipas ang oras

Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan.

 

2. Naalala mo ba yung tula kong "Sa Unang Ulan ng Mayo"? Maniniwala ka bang pinagtuunan siya ng pansin ni Sir Bob? Oo, si Roberto Añonuevo. Kilala mo na? Bale kinatay niya, tol. Sabi niya:

 

"Idinaraan sa tula ang pagtatagni-tagni ng mga hulagway sa pook-maralita, at ipinamamalas iyon sa paningin ng personang nakapansin sa baradong estero, pantalong nakasabit sa bintana, plastik na swimingpul, mga dahong inanod sa alulod, batang naliligo sa ulan, at laman ng halu-halo. Ang anggulo ng paglalarawan ay tila MTV video, at nagsasalimbayan ang mga larawang maaaring mula sa iba’t ibang lugar. Ang masinop na pagpili ng mga bagay ay maiuugnay sa metonimiya ng kabuuang lungsod at urbanidad ng tao, at nagpapamalas ng pagguho sa inaasahang kaayusan ng kalungsuran. Sa kabila ng lahat, sinasalubong umano nang ganap ng madla ang ulan. Napapansin ang ulan dahil bigla ang pagdating nito sa panahon at pagkakataong hindi inaasahan. At ang ulan ay hindi basta ambon, bagkus malakas na pagbuhos na makapagpapagunita sa maruming nakaraan ng persona at lungsod."

 

Akalain mo. Woohooo. Sabi nga ng kanta sa taas, "akala mo talo, yun pala panalo". Bale dalawa kami ni Phillip Kimpo ang nakasalang ngayon sa Blog niya. Astig. Punta kayo dun kung nais niyong makita ang buong pagbasa. Heto yung link: http://dakilapinoy.wordpress.com/2008/07/21/estetika-at-pagtanaw-hinggil-sa-dalawang-lungsod/. Hayun po. Salamat. Salamat. Salamat.

Posted by Siquey at 03:46 PM in Mga kwento | 4 ang nag-flush

July 17th, 2008

Kakupalan at nang naging clown si Batman

1. Maraming nangyayari, pero munting update lang. Bawal magtanong. Lalanggamin ang gilagid mo.

2. Narito na rin lang ako at nagdadaldal, simulan ko na ang nakabuburat na nangyayari dito sa opisina. Nagsimula ito nang pinalaki ng Expedia ang Elite team, pero hindi dito sa Maynila. Ang ginawa nila, nagpatrain daw sila ng ilang tenured agents sa Cebu, binigyan ng mas magagandang tools, at pinaupo sila sa mas matataas na silya. Bakit doon? Malay. Basta ang sabi dati, mas marami raw kasing VetReps mula Cebu kesa dito, at na-impress daw ang mga kliyente nung bumisita sila doon. Pwede. E alangan naman kasing may matirang VetReps dito sa PSC, e halos mas malaki pa ang naiuuwi ng Reliance kesa sa mga Beteranong tulad ko. Pero mas naniniwala ako sa dahilan na sobrang dami na kasing Line of Business dito sa PSC kung ikukumpara sa kabilang kubo. May dalawang Elite Agents na talaga sa Cebu na nakakaalam ang patakaran ng grupo, at pagkalipas ng ilang buwan, natutuhan rin naming sumayaw nang sabay sa iisang kumpas. Nang hinaluan sila ng mga bagong ahente, nailang din sila, kahit pa pumapasok sila sa iisang pinto tuwing umaga. Nagsimulang isabak ang mga bagong Elite Agents noong isang lingo, at hindi pa umiinit ang tubig sa kalan, nagsisimula na ang kakupalan. Hindi na bago ang kompetisyon/kupalan/basagan/pakyuhan sa pagitan ng MNL at CEB centers. May ilang pagkakataong sumawsaw ako sa huntahang ito pero alam ko naman palagi ang posisyon ko. Kung mali ako, alam kong mali ako, at pinapangatawanan kong mali ako. Kung mali ka, sasabihin kong mali ka, kahit nasa kabilang bakod ka lang o sa ikalabingwalong isla ng bansa. Responsibilidad mong pangatawanan ang kakupalang ginawa mo. Walang personalan, professional kupalan lang, kumbaga. At sa pagkakataong ito, may nangupal na taga-cebu at siya pa rin ang bira ng bira sa mga tagaMNL. Panalo ang kakupalan tol, pramis.

Una, nagpadala siya ng email sa kasama naming Elite agent dito sa Maynila at inaakusahang “nagrerefresh” o ang pag-iwas na pasukan ng tawag. Dahil baka mabahiran pa ng putanginangputangina kapag hinimay ko sa inyo, kayo na lang ang magbasa. Pansinin ang nagkalat na kakupalan.

Cebu: hi.. busy ka?

Manila: y?

Cebu: la lang...palagi ka kasi naka refresh eh.. ....dami kau q(ueue)??

Manila: wat do you mean nakarefresh?

Cebu: im watching cms... ur supposed to be next of pascual with avail time of 40mins already..but then nag refresh po kayo... so,i guess busy ka to take calls???  Hehehehe… are u m or f ?

Manila: Mam, Elite Plus agent po kau diba? you're not supposed to watch cms kase naka avail kau and nasa station mo dapat, that's why they assign CMS watchers! and for your information po hindi ako nagrefresh at hindi ako nagrerefresh. ganito po gawin mo, ipacheck ko po history ng CMS so you would know na nagpersonal po ako for a couple of mins. And in my tenure as universal/elite agent hindi po pareho ang ibig sabihin ng personal aux sa refreshing. u dont have the right to email fellow agents accusing them of refreshing. i'll keep this email and will forward it to management for reference. Thanks!

Cebu: im just asking..y r u so defensive?? i didnt mean anything bad.. are u some kindda guilty?.. well, to let u know as well, we have an access to see cms..and its just beside me.. sorry ha, if i offended u..going on personal or other auxes will still refresh u from the avail mode, right??? so anong dapat ikagalit dun?? refresh pa rin tawag dun diba..im not accusing anyone... anyways, log-out na kami..but sure, we'll be glad to see the history of your auxes.. keep us posted ha.. goodnight.. godbless..

Astig diba? Heto ang espasyo para sa gusto niyong mura: ____________________.

Tinawanan ko pa ang tropa ko nang mabalitaan ko ito.  Di ko alam kung may nangyari sa reklamo ng MNL, naiforward kasi ito sa Manager namin.

Akala ko ito lang ang ginawa nung Kupal, pero hindi pala. Nang balikan ko ang mga huling trinabaho ko pagkagaling sa off, pati pala ako kinupal ni Kupal. Inakusahan niya akong mali ang trinabaho ko, at ang masama, inilagay niya ang pangalan ko sa isang tool na hindi naman dapat sinusulatan ng pangalan. Name dropping, pare. Yung mga fans ko mula sa Cebu, gamitin nyo tools niyo at check ninyo ito: 44035000. Gawa niya yan. At heto yung dapat na binuksan niya para hindi siya matawag na incompetent: 43983723. Hindi na nga nagbabasa ng documents, anlakas pa ng loob na mangupal, e bawal nga yun sa office tools. Kung gusto mo, dito sa blog, pwede.

At hindi pa natapos dito. Tumawag pa ang mismong ahente sa Tier II at nagpatulong kasi, natatakot daw siyang gamitin ang tools nila. Kumbaga, bilang karpintero, binigyan ka ng martilyo para pamukpok, pero ang ginawa mo, naghanap ka ng ibang karpintero para siya ang gumawa ng trabaho mo kasi natatakot kang mapupok mo ang daliri mo. Naghahabulang walangya. Rakstar ka naman pala e. E maliban sa ibinabayad sa iyo ng PS para gawin ang trabaho mo, binabayaran rin ng kumpanya ang bawat klik mo sa astig na tools niyo. Kung takot kang gamitin ang tools niyo, bumalik ka sa floor bilang regular agent para maibigay ang log-in mo sa ibang tao, at ma-utilize ang manpower ng kumpanya.

Palampasin ko n asana, pero Pakshet, tatlong kakupalan ang umiral sa iisang araw. Ang masama, parang sila pa ngayon ang may angas. Hindi ko naman sila masisi. Basta wala akong pakialam sa kung anong kakupalan ang gawin nila sa sarili nilang bakod; siguraduhin lang nilang hindi nadadamay ang nasa kabila dahil sa ginagawa nila, sadya man o hindi.

Simple lang ang sakin: Kung Elite agent ka, act like one, Balbon.

3. Napanood ko na ang The Dark Knight. Panalo, tol. 9 out of 10, para sa akin. Hindi ako magaling magreview at maghimay ng kung anong aspekto o elemento ng pelikula tulad ng ilan kong tropa, kaya wala kang mababasang intelektwal na pagkatay sa pelikula mula sakin (maliban siguro kung may bayad).

Kaya isa lang ang masasabi ko: JOKER dapat ang title ng pelikula. Hindi naman kasi kay Batman umikot ang kwento. Ewan ko. May epekto rin siguro ang kamatayan ng gumanap na Joker na si Heath Ledger sa ganitong pananaw ko, pero halos siya lang talaga ang nagdala ng buong kwento. Astig yung performance niya, kaya parang nalunod ang ibang artista, kabilang si Batman, at nagmukha na lahat silang clown sa likod ni Joker. Hayun.

Kung may kasunod pa ang pelikula, sigurado akong nabuburyong na ang Warner Bros sa paghahanap ng kapalit niya.

Heto pala yung paborito kong hitsura niya sa pelikula.

nurse na joker!

 BOOOOM!!! Tanginang Nurse Yan!!!

 

Posted by Siquey at 07:02 PM in Mga kwento | 6 ang nag-flush

July 16th, 2008

Tulawikaan ng LIRA at 8th Ateneo National Writers Workshop

Dahil bumubusina na ang Buwan ng Wika...

Tulawikaan ng LIRA! 

Isang seminar ukol sa panulaan at wikang Filipino ang idaraos sa 27 Agosto 2008, Miyerkules, mula 8:00-5:00 ng hapon sa TARC (Thomas Aquinas Research Complex) Seminar Rooms 1 at 2 sa UST. Pinamagatan itong Tulawikaan, isang serye ng mga panayam ng dalubwikang kasapi ng LIRA, ang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Ilan sa mga tagapagsalita ay sina Prof. Vim Nadera, Jr. ng UP Diliman/UST, Prop. Michael Coroza ng Ateneo de Manila University/UST, Prop. Romulo Baquiran, Jr. at Dr. Lilia Antonio ng UP Diliman.

Ang pangkalahatang paksa ay ang pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng tula. Ilan sa mga tatalakayin ay: kasaysayan ng wika, sintaksis, varayti ng wika at ilang pamamaraan ng paglinang ng pagkamalikhain ng mga mag-aaral. Ipapakita ng mga tagapagsalita kung paanong maaaring maging behikulo ang panulaang Filipino sa pagtuturo ng mga nabanggit na paksa.

Ang kaukulang bayad ay P800 para sa bawat kalahok. Kasama na rito ang mga seminar kit, sertipiko, meryenda at tanghalian. Para sa mga magbabayad nang maaga, bago sumapit ang 9 Agosto, P700 ang magiging kaukulang bayad. Bisitahin ang www.liraonline. org. Para sa detalye, makipag-ugnayan kina En Villasis (0922-4596365) o Dai Miranda sa (0926-7135021) . Maaari ring mag-email sa
pamunuan@liraonline .org o sa liraworkshop@ gmail.com

Handog ito ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo) at Kagawaran ng mga Wika ng Unibersidad ng Santo Tomas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2008.

Heto naman ay mula kay txtm8r Mitch! Sulat! Sulat! Sulat!

The Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP) is accepting applications for the 8th Ateneo National Writers Workshop (ANWW) to be held on 20-25 Oct. 2008.

Each applicant should submit a portfolio in triplicate of any of the following works: five poems, three short stories, written in Filipino or English, with a title page bearing the author's pseudonym and a table of contents. The 8th ANWW will not be accepting portfolios for one-act plays as a separate workshop will be conducted for this. Details will be announced later this year.

The portfolio must also be accompanied by a diskette containing a file of the documents saved in Rich Text Format.

All submissions must include a sealed envelope containing the author's name, address, contact numbers, e-mail address, and a one-page resume including a literary curriculum vitae with a 1x1 ID picture.

Twelve fellows will be chosen from all over the country. Food and accommodations will be provided.

Please address entries to: Alvin B. Yapan, acting director, AILAP c/o Department of Filipino, 3F Horacio de la Costa Hall, Ateneo de Manila University, Loyola Heights, Quezon City.

Deadline of submissions is on 8 September 2008. For inquiries, please call 426-6001local 5320-21 or e-mail
ayapan@ateneo.edu.

Posted by Siquey at 10:20 AM in Mga Tula, Mga kwento | gumamit ng banyo

July 11th, 2008

...it is not a language we know yet.

rebeccabrame.com
The Rest
Margaret Atwood
 
The rest of us watch from beyond the fence
as the woman moves with her jagged stride
into her pain as if into a slow race.
We see her body in motion
but hear no sounds, or we hear
sounds but no language; or we know
it is not a language we know
yet. We can see her clearly
but for her it is running in black smoke.
The cluster of cells in her swelling
like porridge boiling, and bursting,
like grapes, we think. Or we think of
explosions in mud; but we know nothing.
All around us the trees
and the grasses light up with forgiveness,
so green and at this time
of the year healthy.
We would like to call something
out to her. Some form of cheering.
There is pain but no arrival at anything.

Posted by Siquey at 11:04 AM in Mga Tula | 5 ang nag-flush

July 8th, 2008

Poetry, Exercise, No. 1

Anong bago? Wala tol. Halos pare-pareho ang mukha ng mga nagdaang mga linggo ko, kaya wala akong maikwento sa inyo. Wala na rin namang NBA para may himayin sana ako sa inyo. Walang pera. Walang chongki. Walang makain. Pramis. Akala ng ilang kaibigan, nagda-diet ako dahil sa pagbagsak ng katawan ko. Kapag sinasabi kong, "wala lang makain", pabiro ata ang pagtanggap nila, pero di nila alam na totoo yun. Puro alak ang laman ng sistema ko ngayon. Hindi rin naman ako nagrereklamo. Mas madaling makatulog at mas magaang tapusin ang isang araw kung nakainom ka. Try mo.  
 
 
Heto na lang. May tula pala ako. Ilang linya lang siya. Basa.
 
Sa Pagdilat
Mula sa malalim na sinapupunan
ng himbing, lumiliwayway
ang diwa, at tila isang pagpapahaba
sa ayaw-tapusing talata, kinukuwitan natin
ang muta sa hukay ng ating pandama.
 
Unang bahagi ito ng sampung tula na gusto kong tapusin sa susunod na mga araw. Medyo matrabaho at nakakatamad siya kasi kailangan kong bumangon sa madaling araw para masanay akong maglaan ng ilang oras para sa pagtula. Kailangan daw talaga yun, sabi ng mga "matatanda". Kahit maiikli lang na mga tula, ok na. Ang mahalaga, siksik at buo siya. Medyo tinatanong ko na rin ang sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang sinimulang kong "proyekto" sa pagtula. Hindi naman sa nagsasawa ako sa direksyon o "boses" ko, kung meron man. Alam ng ilang nakakakilala sa mga tula ko ang gusto kong tumbukin. Medyo nasisimulan ko na rin lang kasing sagutin ang tanong ng isang kasama sa "kung bakit may lumalabas sa paraan ng pagtula [ko]". Nakikita ko ngayon ang hangganan nito. Nasisilip ko na kung bakit may ibang sanga na lumalawak na dati ay hindi ko maintindihan o ayaw kong pasukin. Taliwas sa palagi kong sinasabi na "hindi pa napipiga ang lahat ng magagandang imahen/metapora ng mga pinoy", nauubusan na ako nakikita sa paligid. Oo, alam kong mali ito. Sasabihin mong, "hindi nauubos yan, nasa pagtingin lang yan". E paano kung, tulad din ng hindi pagkasilip ng iba sa ilang imahen na nahuli ko, hindi na makita ng mga mata ko ang "bago"? Baka ibang mata na ang dapat sumipat sa ilang nagtago sa akin. Baka ibang makata na ang dapat maglaan ng pagtanaw sa mga dati kong nakita. Malay mo, mas maganda yung makita mo kesa sa akin. Hindi rin nangangahulugang magpapa-post-post-post-modern na ako. Tangina, kalokohan yun. Maghuhukay lang ako ng kaunti ngayon, magtatago, sisipol ng malakas, sasadyaing maging sintonado. Pasensya sa ilang mga kakilala, pero ayokong maglagi sa isang antas na komportable na ako. Muli, hindi ito pagsasabing may "naabot" o may "naperpekto" na ako sa panulaang pinili ko; mas tama sigurong sabihing sumusugal lang ako sa pagtulang hindi pa nayayakap ng karamihan, at kabilang ako sa karamihang yun. Malabo pa ang agos mula "dito" papunta "doon", kaya basa lang muna ako ng basa ngayon. Kung may maipapahiram ka sa akin na sa tingin mo ay makakatulong sa transition, pahiram ng libro mo. Salamat, Balbon.
Punta ka na rin pala dito: www.bulawanonline.com. Bagong site na gawa nila Sir Rio. Hayun.

Posted by Siquey at 03:00 PM in Mga Tula, Mga kwento | gumamit ng banyo

« Newer 5 entries | »
site powered by tabulas | Back to Top - selda - kapogihan - katoto - peyborits - nilalaman - kahapon - koneksyon